Wednesday, December 15, 2010

IF THE FEELING IS GONE.

Not "IF", it's already gone. Siguro natanggap ko na talaga. Saka mas maganda nga ung friends lang kame e. Walang ilangan, diba? OO! :)) Saka masaya na ako sa mga nangyayari ngaun sa buhay ko. Kala nyo lang EMO ako, pero OO minsan lang di araw araw. HAHA. Sya lang naman dahilan DATI kung bakit ganun ung mga posts ko or GM ko. Pero sabe ko nga DATI lang un. Kung may narerecieve kayong emo from me, wala lang un. PROMISE! Mas masaya talaga kung di mu hahaluan ng LOVE pure FRIENDSHIP lang. :)) 

Natatawa nga ako kanina kasi tinatanung nila kung OKAY lang ako? NAMAN! PLUTO PA! Nasad lang ako nung binara nya ako. Lately, napansin ko lagi na nya ako ginaganun. :| Bakit kaya? HAHA. Siguro trip nya. Sige trip trip din. :)))

Ngayon, iwas muna ako sa in love. Nakakastresses kaya, saka puro heartaches e. EMO? Madami akong crush pero wala pa ung LOVE talaga. Like him, before. :) Nung unang kita ko kasi sa kanya crush ko na sya nun. E ung time na un nagli-lo ako sa G1 nun. Tas nung summer, hala ka! Natuluyan na. Sariling asar nga ako e. Tas ayon, gang sa dumating na mahal ko na nga sya nun, 9 months akong in love sa kanya. HAHAHA. 

Naalala ko tuloy si JOHN MICHAEL VINCENT TABIGUE. He's my FIRST LOVE. :"> Grabe talaga ung effort ko sa kanya nun. Kada birthday, Christmas, and New Year talaga may gift ako sa kanya. Saka naalala ko dati pumupunta pa sya sa house namen para lang magpagawa ng assignment saka project. Ako na si gawa. Shempre, ganun naman talaga e, kung mahal mu ung  isang tao gagawin mu lahat. Pero that time alam ko na wala syang gusto sakin nun. Saka sinabe na din nya saken un e. Badtrip nga ung friend ko sakin nun, ginagamit nalang daw nya ako. Tas one time kinausap nya ako na hintayin ko daw sya. Ako naman walang pagaatubili. Hinintay ko sya gang sa umabot ng 3 YEARS. :| OO! TATLONG TAON AKO NAGHINTAY. Sabe kasi nya e. Diko na inisip kung anu ung mangyayari sa paghihintay ko. Gang sa sobrang minahal ko na talaga sya nun. Dumating ung time na binibigyan ko na sya ng pera, ako ung nagpapagupit sa kanya, ako gumagastos pag aalis kame. :| TANGA KO NOH! Tas ayon na nga, may dumating na bagong friend ko. At naging sila. Ang sakit talaga nun. Di ako nagalit sa friend ko nagalit ako sa sarili ko. Kasi hinayaan kong mahalin ko sya ng mahalin. Sobrang sakit talaga nun. Dumating ung times na one week akong di pumasok, nagpanggap na may sakit, nagkulong sa kwarto, di kumakaen, higit sa lahat magang maga ang mata kakaiyak. Takang taka nga sila Mama nun e. Bat daw namamaga, sabe ko allergy ata sa gamot. Kasi umiinom ako ng gamot kahit wala akong sakit. Tas one time pumunta ako sa house nung girl para makabonding ko ulit sila. Nashook ako pagpasok ko sa house nila nandun sya. :| Wala ako nagawa kundi lumabas at umiyak. Di ako umalis kasi magkasama sila, umalis ako kasi pag nakikita ko sya parang pinapamukha nya sakin na napakatanga ko. Sobrang depressed talaga ako nun. Pinipilit kong kalimutan sya, pero diko nagawa ng madali un. Ang hirap. Lalo na kung lagi mu sya nakikita. :|

Then ayon Christmas na, un ung unang Christmas ko na di ako naggift sa kanya. Tas ung time na un nagaway kameng mga friends ko. As in lahat. Nakita ko kasi umiiyak si Beverly nun, e ang ayaw ko kasi sa lahat ung umiiyak ung mga kaibigan ko. Mas gugustuhin ko pang ako nalang umiyak para sa kanila, at ayaw kong nasasaktan sila. Ako kasi ang Ate sa kanila e, kahit ako ung pinakaisip bata. Un din ang pinakamatagal naming away, almost 5 months kaming di naguusap. Gang sa dumating ung time na nagkabati kame. Tas alam mu ba kung anu pinakamagandang nangyari nun? NAKALIMUTAN KO NA SYA. As in. After kong grumaduate nawala lahat ng feelings ko para sa kanya. Kaya nga di ako nagsisisi na nagkaaway away kaming lahat e. HAHAHA. 

After ata nun, wala ng sumunod. Si Kavin na ata ung pangalawa after nun. Ung iba kasi parang crush lang, kunwari in love pero di pala. HAHAHA. Diba? Like ni Agusto. Sino pa ba? Si Jared. HAHAHA. Diba? 

Ngayon masasabi kong nakapagmove on na talaga ako. Kaya kahit anung asar nyo ayos na sakin. Atleast di nako masasaktan dahil sa kanya. Diba? Di na sya makoonsensya kung nakokonsensya sya. HAHAHA. JOKE! GG. Ayy iba ahh, Kinewento pa talaga ung dati. Share lang naman e. Kaya nga blog e. Pero di pa tapos yan, kasi may nangyari pa nun nung pagpasok ko ng college. :) Saka ko nalang kwento, napapagod na ako magtype e. HAHAHA. 


:))))

No comments:

Post a Comment