Tuesday, February 7, 2012

Pa-MILYA

Family is the basic unit of society. Naaalala ko pa yan. Hahaha. Nung Elementary ko unang narinig yan sa teacher ko. O diba? Ang galing ng memory ko. Hahaha. Joke. Game na? GAME!

Ano nga ba ang pamilya? Magkakasama. Laging masaya. Marunong umintindi. Sasamahan ka sa hirap at ginhawa. Open sa isa't isa. Hindi madamot. At ang higit sa lahat puno ng pagmamahal. Yan ang pagkakaalam ko na merun sa isang pamilya, yan ang pamilya na pinapangarap ko matagal na.

Alam ko walang perpektong pamilya at masasabi ko na isa na kame dun. Madalas ako mainggit sa mga kaibigan ko na malapit sa kanilang pamilya. Yung nakakapagsabe sila ng I love you, kikiss pagdumating at bago umalis, yung may bonding moments, yung nakakapagopen ka sa mga nangyayari sayo, yung magiging bestfriend mu sila panghabangbuhay. Sobrang laki ng inggit ko pagdating sa pamilya, kasi alam ko sa sarili ko na malayong malayo yung pamilya ko sa kanila. Ni hindi pa ng ako nakakapagsabe ng I love you sa kanila pero pag sa someone ko at sa mga friends ko ang dali lang sabihin sa kanila. Ni hindi nga ako nakakapagkiss sa kanila araw araw eh, ang pagakkatanda ko first time kong ikiss si Mama nung Bacc Mass ko tapos si Papa etong New Year lang. Ni hindi pa nga kame nagbobonding eh, pero nung bata pa kame madalas kame pumunta sa Zoo nun namimiss ko na yun, namimiss ko na din yung magsisimba kameng lahat. Pag may problema ako hindi sila ang una kong nilalapitan yung mga kaibigan ko, ni hindi pa nga ata ako nakapagsabe ng problema sa kanila eh, kung malalaman man nila na merun hindi sila yung una. Yan kame sa pamilya ko. 

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pamilya ko. Hindi kame pinalaki na malapit sa kanila. Parang pinalaki lang nila kame tapos pinagaral tapos yun na. Walang communication. Sobrang mahalaga na may communication ang mga tao kasi kung wala to, walang kwenta ang mabuhay. Kaya mu bang mabuhay ng magisa lang? Hindi naman diba? Kelangan mu ng kasama. At alam ko na tanging pamilya ko lang ang pede ko makasama kahit alam ko magkakahiwalay din kame balang araw. Kung tutuusin ayaw ko magkaroon ng sariling pamilya ko, gusto sila nalang kasi gusto ko mangyari samen yung pinapangarap kong pamilya. 

Sa totoo lang, galit ako kila Mama at Papa. Sobrang galit ako sa kanila. Ilang beses ko na nilabanan ang sarili ko na di dapat ako magtanim ng ganitong galit. Minsan nga nasasabe ko sa sarili ko na diko sila gagayahin. Hinding hindi. Matagal ko ng naisip kung bakit kaya ganito kame, at ngayon alam ko na. Naisip ko kung paano nila kame pinalaki. Pinalaki nila kame na nasa tabi namen pero parang walang pagmamahal. Alam ko masyadong masakit tong sinasabe ko. Pero yun yung nakikita ko at nararamdaman ko.

At alam mu ba kung ano yung pinakapangarap ko sa pamilya ko? Ang magkaroo ng "Family Picture". :( Sana balang araw magkaroon kame ng ganun. Soon. Madami pang oras. At sana mawala na yung galit na nararamdaman ko. Ayaw ko dalhin to panghabangbuhay. 

Lord, touch my heart. 

No comments:

Post a Comment