Wednesday, July 18, 2012

What I Feel?

Screening ng Groove One ngayon para sa Slimmers. :) Alam ko na pasok na sila. Sobrang laki na ng inimprove ng G1, di lang individual kundi as a group talaga. Ang sarap lang nila panuorin habang sumasayaw, kasi yung grupong inaakala mong mawawala ng madalian pero ayun nasa harapan mo nagpeperform at mafefeel mo sa kanila na gustong gusto nila yung ginagawa nila. Mararamdaman mo yung heart nila. :)

Ayun, actually sobrang naiinggit ako sa kanila kasi gusto ko padin mag compete! Iba kasi ang feeling pag nagcocompete ka kesa sa mag intermission lang. Nandun yung feeling na, kelangan kong galingan para sa grupo, nandun yung encouragement ng isa't isa. Yung feeling na may nagchecheer sa inyo, at pinaka mimiss ko yung feeling na kabado pero when you reach that stage, biglang mawawala lahat ng kaba mo kasi alam mong kasama mo yung group mo at alam mong bawat isa sa inyo gagawin ang best for the group. Hayy. I missed that feeling!

At isa sa mga part ng competition ang gusto ko yung makikita ko yung mga idol ko. HAHAHA! Groove One knows how I react when I see them, like LSDC. Haha. Sakin sila nagtatanong kung sino yun. Hahahaha. :)) I'm really proud na Idol ko sila. Ewan ko ba. There's something in their group na nagpapahook saken, at feeling ko yung connection nila yun with God. :) I can feel it. Everytime they perform. Yun agad ang nararamdaman ko. :)

I remember when Coach asked everyone what is our goal to this group, isa lang agad ang pumasok sa isip ko. Kasi I remembered that time my D-12 leader asked that question too, but her question is, "What is your purpose in this school?". Sabi ko nun, "Masyadong malaking responsibility pag sa school, so I will focus on my current group, Groove One. Gusto ko sasayaw kame for God, not only for ourselves. In that way, pede namen ishare sa ibang students dito sa PSBA yung greatness ni God. Gusto ko matutunan namen ang magkaroon ng connection sa isa't isa at kay God". Actually, nung tinanong ni Coach yun, nakalimutan ko palang gawin yun. Dun lang ako nagporsige, na gawin yung goal na yun. Kaso mahirap syang gawin, kasi iba iba ang aming personality, pero personality is not a hindrance. :) Tinulungan kame ni Coach na gawin center si God sa grupo, sa una mahirap talaga, madaming trials na dapat daanan, pero at the end, si God padin yung namuno samen. :)

Very memorable saken yung Maximum Groovity 7, sa daming beses kong sumayaw dun ko lang talaga sya nafeel, lahat kame, dun lang namen nafeel na kasama talaga namen si God. Super gaan sa feeling talaga nun! Ang saya saya namen! Kaya ngayon comfortable na ako, kasi alam ko na nandun na si God grupo. :)) Lagi naman syang nandun dati eh, di lang talaga namen napapansin.

Hayy. Kakabasa ko lang ng text ni Kuya Albert, nalulungkot ako. Kasi parehas kame ng feeling, miss ng sumayaw, pati sila Tash, Eyem, Ken. Kelan kaya yung araw na makakasayaw ulit kame kasama ang buong Groove One, mapabago o mapaluma lang. :) Yan ang term ng G1, luma o bago. HAHAHAHA. At sanay na akong tawagin na luma. :)) Almost 4 years din ako ngstay sa Groove One, even now nandun padin ako sa kanila, di man araw araw pero sila ang reason kung bakit ako bumabalik sa school. :))

WHY DO YOU DANCE? - Step Up 3

Me: Dance is my life. :) No need to explain.

No comments:

Post a Comment