Matagal ko na gusto bumili ng doll shoes, kaso di ako mahilig magsuot ng ganito. Pero ngayon I'm willing to wear it. :) Pang araw araw lang sa office. Saka feeling ko pag suot ko yan, girly na girly. HAHAHA. Pero ang gusto ko na kulay yung nude then may strap sya like nung nasa picture. :) Di ako bibili ng ibang doll shoes na hindi ganun. :) Pag wala akong makitang ganun, ganyan nalang bibilhin ko sa La Clotheria. :)
Favorite ko sa lahat ang Oxford shoes. Ewan ko kung bakit! Basta trip na trip ko sya. Dalawa oxford ko kaso yung brown ko medyo bumibigay na. HAHA. Kaya bibili ulit ako. Yung red ko diko masyado sinusuot kasi ang hirap partneran nun eh. :) Kaya ang bibilhin ko ay brown ulit. Meron na akong nakita nun sa The Crossings. :) Matagal ko na binabalikan yun eh, gang ngayon nandun padin. Ako lang daw kasi pedeng bumili. HAHAHA. Plan ko this week or next month.
Eto! Matagal na ako naghahanap ng ganitong kulay! Gustto ko kasi Neon eh. Sorry maarte kasi ako. Wahaha. Pero don't worry may nakita na ako. Nag sale nga yun eh, 500 nalang ata kaso diko nabili kasi that time may babayaran akong bag. Huhuhu. Sa Trinoma ko yun nakita. Madami syang kulay, pink, green, blue. :) Gusto ko yung blue or green ang cute kasi eh. Regular price nya 799, pede na diba?
GRABE!!! Nung nakita ko to sa Tumblr, halos maluwa yung mata ko! Kung may mananakaw man ako neto, nanakawin ko talaga! HAHAHAHA. Joke. May nakita na din ako neto eh, kasi hindi sya hi-cut! Kainis! Pero may brown na ganito, kaso gusto ko yung ganito. PRINTED. Mahilig sa Saab Magalona sa ganito eh. HAHAHA. Stalker nya kasi ako. Joke. :) Pero may ganito din sa Jellybean. :)) Kaya may pagasa akong makabili ng ganito. YEHEY!!!!
Unang nakita ko to sa Lookbook, nainlove ako agad. <3 Nagsearch agad ako kung ganto sa pinas, pero wala eh. Pero nung naglibot libot na naman ako sa Trinoma may nakita ako, muka syang Creepers, bibilhin ko na dapat yun eh, kaso may nakita ako sa Janilyn na shoes, sale sya! So inuna ko muna yun. That time dalwang shoes ang nabili for 1200. :) Oh diba? 1600 plus kasi yun. Sabi ko baka pagbalik ko matimingan ko na naman na sale, e di go na ulit! HAHAHAHAHA. Pero may ganito din sa Jellybean, 500 lang sya sale kasi. Gustong gusto ko nabilhin yun. Kaso nung araw na yun may pagkakagastusan ako. :( HUHUHU. Sobrang nanghinayang ako kasi half price yung discount nya. T_T Pero okay lang atleast alam ko kung saan ako makakahanap ng ganito. :)
I have 17 shoes, di pa kasama yung limang heels ko na diko naman ginagamit. HAHA. Tapos yung iba tinapon na ni Mama kasi yung iba sira na. Pag may pera kasi ako derecho ako agad ng SM or Trinoma tapos mas madalas ako mapunta sa shoes center or store. Ewan ko ba. Di kasi ako mahilig bumili ng damit sa mall, sa online shop oo! Halos lahat na ata ng damit ko galing online shop eh. HAHAHA. Pero lately, tumigil na muna ako. Kasi ang dami ko pang hindi nasusuot saka nagrereklamo si Mama kasi di na kasya yung damit ko sa cabinet tapos yung iba diko na nasusuot. :( Pero ayaw ko naman ipamigay. NO WAY! Ayaw ko nga. Akin yun noh! HAHAHA. Damot teh? Joke. Ayaw ko lang kasi ipamigay damit ko kasi once na maghanap ako gusto ko nandun lang. Kabisado ko yung damit ko, alam ko pag may nawawala.
Di rin ako mahilig bumili ng pants. Siguro 7 or 8 lang pants ko. Kinakapos pa ako nun ah. Pero now I'm planning to buy atleast 5. HAHAHA. Oo, 5 teh! Shempre yung mura lang noh. :))
Hayyy. Sana umulan ng pera ngayon para mabili ko yan lahat. HAHAHAHA. Pero I'll make sure mabibili ko yan, di nga lang sabay sabay. Isa isa lang shempre! :))
No comments:
Post a Comment