Wednesday, July 4, 2012

Nothing

Sobrang antok talaga ako! Di ko alam kung bakit, ang aga ko naman palagi natutulog. Huhuhu. Tapos yung panahon pa sobrang nakakaantok din, ang lamig lamig. Sarap talaga matulog. >_< Pero medyo nagigising na ako kasi uminom ako ng coffee tapos nakita ko pang online si Crush. Ayyy, di na ako ganun masyadong kinikilig kay Crush. HAHAHA. Nagsawa? E di naman kasi nya ako kilala e, diko din alam kung napapansin nya ba ako kahit sa facebook lang. HAHAHAHA. diko na din sya masyado iniistalk kaya ganun.

May ishare pala ako, kasi yung Yaon na yun nagchat sya saken, medyo matagal na yun, sya yung nasa One Week Process ko, nagpm sya saken sabi nya "Gusto ko manuod ka ng championship ah", ganyan na ganyan, parang nanguutos lang. Tapos sabi ko bakit, sabi nya para daw may inspirasyon. Muka nya! Ako pa ulit ang lolokohin. Haha. Pero diko ideny na kinilig ako, at may part akong naramdaman na nasaktan. Ewan ko ba. Nasaktan sa sinabi nya? Siguro dahil alam kong isa na naman sa mga paasa nya yun, muntik na nga ulit ako bumigay eh. Pero nangako na kasi ako na tama na, ayaw ko na. Tapos nagkasalubong kame kahapon, nakita ko na sya nung una ginawa ko kunwari busy ako kakatext habang naglalakad then sya unang pumansin saken sabe nya wala daw pansinan tapos napa-hi ako sa kanya. Then tuloy tuloy ang lakad ko pauwi. Pagdating ko sa bahay naguilty ako sa ginawa ko, tinext ko sya kahit di nakasave number nya kabisado ko naman. Haha. Nag sorry ako nagreply sya sabi nya nagbago na daw ako. Hahahaha. Natawa lang ako tapos napagkamalan nyang may boyfriend na ako. Ewan ko dun. Baliw na ata yun e, medyo kinilig ako kasi ibig sabihin tinitingnan nya yung profile ko, siguro nabasa nya yung post ni Marcus Kim. Hahahahahahaha. =))) Tapos sabi nya magkita daw kame nung araw na yun. shempre gusto ko pero pinigilan ko sarili ko noh! Kelangan kong magpigil dahil sa huli ako na naman yung talo. Kaya tumanggi ako, then nasabi nalang nya na masaya daw ako, pinipilit nyang may boyfriend talaga ako. HAHAHAHAHA. Epic lang. Tas dun na natapos yung convy namen. HAHAHA.

Oh diba? Di na ako masyado affected? :)) Galing ko! Ako pa ba? Sanay na ako sa ganyan. Chos! Hahaha.

Yun lang, nagpaalis lang ng antok.Next time ulit pag sinipag ako. Hohohoho. :D

No comments:

Post a Comment