Tuesday, July 31, 2012

New Kicks |m|

Yeahhh!! Nabili ko na ang isa sa mga gusto kong bilhin. Color blue sya. =))) Saka ko na suotin yun, pag wala ng ulan. Hihihihihi. Tapos yung isa naman nakaorder na ako, yung ballerino doll shoes. :)) Hohohoho. I love it. Creepers at oxford nalang.=))

NEXT TARGET: Clothes and Pants! :)

WORK HARD. PLAY HARD. 

 



Wednesday, July 25, 2012

Alam mo yung feeling na nanuniod ka lang nga mga video tapos bigla kang naiyak kasi di mo alam kung kelan ka ulit makakasayaw! Muntanga ako naiiyak. Kelan kaya ulit ako makakasayaw. Matututo pa ba ako?

God knows kung gaano ko kamiss ang pagsasayaw. :'(

SUCH A CRYBABY! T_T

Thursday, July 19, 2012

Fuck. I really hate this feeling. EMPTY. Tanginaaaaa lang!!!!!!!

Ano ba gagawin ko? 

Wednesday, July 18, 2012

God Wants You To Know....

Grabe! Sobrang kinikilabutan ako ngayon! The ka talaga Lord. Alam mo talagang nangungulila ako sa pagsasayaw, tapos ganun yung message mo saken.

"Your talent is God's gift to you. What you do with it is your gift back to God."

Tapos inaya ako ni Kuya Albert na sumayaw daw ako sa 31, presentation of candidates. Hayy. Kaso ang problema yung schedule ko, every Saturday lang talaga ako pede! Kahit nasa likod lang yung blockings ko, I don't care, the important is makasayaw ulit ako. :))
Sana sign na ni Lord yun! Grabe, diko mapigilan maiyak. Such a crybaby. Lord thank you talaga! The besk ka sa lahat. You're so good!!! ALL THE TIME!! That's why I really love you eh. Kahit pasaway ako. :)) Hihihihi. Kayo na bahala Lord, kung bibigyan nyo ako ulit ng chance na makasayaw, super thank you. Kung di man, thank you padin po kahit nakakalungkot. Hehehe. 

Goodvibes! :)

What I Feel?

Screening ng Groove One ngayon para sa Slimmers. :) Alam ko na pasok na sila. Sobrang laki na ng inimprove ng G1, di lang individual kundi as a group talaga. Ang sarap lang nila panuorin habang sumasayaw, kasi yung grupong inaakala mong mawawala ng madalian pero ayun nasa harapan mo nagpeperform at mafefeel mo sa kanila na gustong gusto nila yung ginagawa nila. Mararamdaman mo yung heart nila. :)

Ayun, actually sobrang naiinggit ako sa kanila kasi gusto ko padin mag compete! Iba kasi ang feeling pag nagcocompete ka kesa sa mag intermission lang. Nandun yung feeling na, kelangan kong galingan para sa grupo, nandun yung encouragement ng isa't isa. Yung feeling na may nagchecheer sa inyo, at pinaka mimiss ko yung feeling na kabado pero when you reach that stage, biglang mawawala lahat ng kaba mo kasi alam mong kasama mo yung group mo at alam mong bawat isa sa inyo gagawin ang best for the group. Hayy. I missed that feeling!

At isa sa mga part ng competition ang gusto ko yung makikita ko yung mga idol ko. HAHAHA! Groove One knows how I react when I see them, like LSDC. Haha. Sakin sila nagtatanong kung sino yun. Hahahaha. :)) I'm really proud na Idol ko sila. Ewan ko ba. There's something in their group na nagpapahook saken, at feeling ko yung connection nila yun with God. :) I can feel it. Everytime they perform. Yun agad ang nararamdaman ko. :)

I remember when Coach asked everyone what is our goal to this group, isa lang agad ang pumasok sa isip ko. Kasi I remembered that time my D-12 leader asked that question too, but her question is, "What is your purpose in this school?". Sabi ko nun, "Masyadong malaking responsibility pag sa school, so I will focus on my current group, Groove One. Gusto ko sasayaw kame for God, not only for ourselves. In that way, pede namen ishare sa ibang students dito sa PSBA yung greatness ni God. Gusto ko matutunan namen ang magkaroon ng connection sa isa't isa at kay God". Actually, nung tinanong ni Coach yun, nakalimutan ko palang gawin yun. Dun lang ako nagporsige, na gawin yung goal na yun. Kaso mahirap syang gawin, kasi iba iba ang aming personality, pero personality is not a hindrance. :) Tinulungan kame ni Coach na gawin center si God sa grupo, sa una mahirap talaga, madaming trials na dapat daanan, pero at the end, si God padin yung namuno samen. :)

Very memorable saken yung Maximum Groovity 7, sa daming beses kong sumayaw dun ko lang talaga sya nafeel, lahat kame, dun lang namen nafeel na kasama talaga namen si God. Super gaan sa feeling talaga nun! Ang saya saya namen! Kaya ngayon comfortable na ako, kasi alam ko na nandun na si God grupo. :)) Lagi naman syang nandun dati eh, di lang talaga namen napapansin.

Hayy. Kakabasa ko lang ng text ni Kuya Albert, nalulungkot ako. Kasi parehas kame ng feeling, miss ng sumayaw, pati sila Tash, Eyem, Ken. Kelan kaya yung araw na makakasayaw ulit kame kasama ang buong Groove One, mapabago o mapaluma lang. :) Yan ang term ng G1, luma o bago. HAHAHAHA. At sanay na akong tawagin na luma. :)) Almost 4 years din ako ngstay sa Groove One, even now nandun padin ako sa kanila, di man araw araw pero sila ang reason kung bakit ako bumabalik sa school. :))

WHY DO YOU DANCE? - Step Up 3

Me: Dance is my life. :) No need to explain.

I need. I want.

Matagal ko na gusto bumili ng doll shoes, kaso di ako mahilig magsuot ng ganito. Pero ngayon I'm willing to wear it. :) Pang araw araw lang sa office. Saka feeling ko pag suot ko yan, girly na girly. HAHAHA. Pero ang gusto ko na kulay yung nude then may strap sya like nung nasa picture. :) Di ako bibili ng ibang doll shoes na hindi ganun. :) Pag wala akong makitang ganun, ganyan nalang bibilhin ko sa La Clotheria. :)

Favorite ko sa lahat ang Oxford shoes. Ewan ko kung bakit! Basta trip na trip ko sya. Dalawa oxford ko kaso yung brown ko medyo bumibigay na. HAHA. Kaya bibili ulit ako. Yung red ko diko masyado sinusuot kasi ang hirap partneran nun eh. :) Kaya ang bibilhin ko ay brown ulit. Meron na akong nakita nun sa The Crossings. :) Matagal ko na binabalikan yun eh, gang ngayon nandun padin. Ako lang daw kasi pedeng bumili. HAHAHA. Plan ko this week or next month.

Eto! Matagal na ako naghahanap ng ganitong kulay! Gustto ko kasi Neon eh. Sorry maarte kasi ako. Wahaha. Pero don't worry may nakita na ako. Nag sale nga yun eh, 500 nalang ata kaso diko nabili kasi that time may babayaran akong bag. Huhuhu. Sa Trinoma ko yun nakita. Madami syang kulay, pink, green, blue. :) Gusto ko yung blue or green ang cute kasi eh. Regular price nya 799, pede na diba?

GRABE!!! Nung nakita ko to sa Tumblr, halos maluwa yung mata ko! Kung may mananakaw man ako neto, nanakawin ko talaga! HAHAHAHA. Joke. May nakita na din ako neto eh, kasi hindi sya hi-cut! Kainis! Pero may brown na ganito, kaso gusto ko yung ganito. PRINTED. Mahilig sa Saab Magalona sa ganito eh. HAHAHA. Stalker nya kasi ako. Joke. :) Pero may ganito din sa Jellybean. :)) Kaya may pagasa akong makabili ng ganito. YEHEY!!!!

Unang nakita ko to sa Lookbook, nainlove ako agad. <3 Nagsearch agad ako kung ganto sa pinas, pero wala eh. Pero nung naglibot libot na naman ako sa Trinoma may nakita ako, muka syang Creepers, bibilhin ko na dapat yun eh, kaso may nakita ako sa Janilyn na shoes, sale sya! So inuna ko muna yun. That time dalwang shoes ang nabili for 1200. :) Oh diba? 1600 plus kasi yun. Sabi ko baka pagbalik ko matimingan ko na naman na sale, e di go na ulit! HAHAHAHAHA. Pero may ganito din sa Jellybean, 500 lang sya sale kasi. Gustong gusto ko nabilhin yun. Kaso nung araw na yun may pagkakagastusan ako. :( HUHUHU. Sobrang nanghinayang ako kasi half price yung discount nya. T_T Pero okay lang atleast alam ko kung saan ako makakahanap ng ganito. :)

I have 17 shoes, di pa kasama yung limang heels ko na diko naman ginagamit. HAHA. Tapos yung iba tinapon na ni Mama kasi yung iba sira na. Pag may pera kasi ako derecho ako agad ng SM or Trinoma tapos mas madalas ako mapunta sa shoes center or store. Ewan ko ba. Di kasi ako mahilig bumili ng damit sa mall, sa online shop oo! Halos lahat na ata ng damit ko galing online shop eh. HAHAHA. Pero lately, tumigil na muna ako. Kasi ang dami ko pang hindi nasusuot saka nagrereklamo si Mama kasi di na kasya yung damit ko sa cabinet tapos yung iba diko na nasusuot. :( Pero ayaw ko naman ipamigay. NO WAY! Ayaw ko nga. Akin yun noh! HAHAHA. Damot teh? Joke. Ayaw ko lang kasi ipamigay damit ko kasi once na maghanap ako gusto ko nandun lang. Kabisado ko yung damit ko, alam ko pag may nawawala.

Di rin ako mahilig bumili ng pants. Siguro 7 or 8 lang pants ko. Kinakapos pa ako nun ah. Pero now I'm planning to buy atleast 5. HAHAHA. Oo, 5 teh! Shempre yung mura lang noh. :))

Hayyy. Sana umulan ng pera ngayon para mabili ko yan lahat. HAHAHAHA. Pero I'll make sure mabibili ko yan, di nga lang sabay sabay. Isa isa lang shempre! :))

Wednesday, July 4, 2012

Nothing

Sobrang antok talaga ako! Di ko alam kung bakit, ang aga ko naman palagi natutulog. Huhuhu. Tapos yung panahon pa sobrang nakakaantok din, ang lamig lamig. Sarap talaga matulog. >_< Pero medyo nagigising na ako kasi uminom ako ng coffee tapos nakita ko pang online si Crush. Ayyy, di na ako ganun masyadong kinikilig kay Crush. HAHAHA. Nagsawa? E di naman kasi nya ako kilala e, diko din alam kung napapansin nya ba ako kahit sa facebook lang. HAHAHAHA. diko na din sya masyado iniistalk kaya ganun.

May ishare pala ako, kasi yung Yaon na yun nagchat sya saken, medyo matagal na yun, sya yung nasa One Week Process ko, nagpm sya saken sabi nya "Gusto ko manuod ka ng championship ah", ganyan na ganyan, parang nanguutos lang. Tapos sabi ko bakit, sabi nya para daw may inspirasyon. Muka nya! Ako pa ulit ang lolokohin. Haha. Pero diko ideny na kinilig ako, at may part akong naramdaman na nasaktan. Ewan ko ba. Nasaktan sa sinabi nya? Siguro dahil alam kong isa na naman sa mga paasa nya yun, muntik na nga ulit ako bumigay eh. Pero nangako na kasi ako na tama na, ayaw ko na. Tapos nagkasalubong kame kahapon, nakita ko na sya nung una ginawa ko kunwari busy ako kakatext habang naglalakad then sya unang pumansin saken sabe nya wala daw pansinan tapos napa-hi ako sa kanya. Then tuloy tuloy ang lakad ko pauwi. Pagdating ko sa bahay naguilty ako sa ginawa ko, tinext ko sya kahit di nakasave number nya kabisado ko naman. Haha. Nag sorry ako nagreply sya sabi nya nagbago na daw ako. Hahahaha. Natawa lang ako tapos napagkamalan nyang may boyfriend na ako. Ewan ko dun. Baliw na ata yun e, medyo kinilig ako kasi ibig sabihin tinitingnan nya yung profile ko, siguro nabasa nya yung post ni Marcus Kim. Hahahahahahaha. =))) Tapos sabi nya magkita daw kame nung araw na yun. shempre gusto ko pero pinigilan ko sarili ko noh! Kelangan kong magpigil dahil sa huli ako na naman yung talo. Kaya tumanggi ako, then nasabi nalang nya na masaya daw ako, pinipilit nyang may boyfriend talaga ako. HAHAHAHAHA. Epic lang. Tas dun na natapos yung convy namen. HAHAHA.

Oh diba? Di na ako masyado affected? :)) Galing ko! Ako pa ba? Sanay na ako sa ganyan. Chos! Hahaha.

Yun lang, nagpaalis lang ng antok.Next time ulit pag sinipag ako. Hohohoho. :D