Pebrero. Buwan ng mga puso.
Sikat na naman yung mga taong may girlfriend at boyfriend.
Kasi pagsinasabeng Pebrero yung mga magkasintahan agad ang naiisip naten.
Aminin? Pero di lang naman para sa kanila yun e, para yun sa lahat. Sa pamilya,
kaibigan, kapitbahay, pede din sa kapaligiran, at higit sa lahat sa Panginoon. J
Pero iba pa din yung may isang taong special sayo. Yung
feeling na lage kang kinikilig kahit wala naman syang ginagawa. Yung feeling na
gusto mu sya lage nakikita. Yung feeling na naiinis ka kasi namimiss mu sya.
Yung feeling na kahit antok na antok ka padin pero nilalaban mu yung antok para
lang makatext mu sya. Yung feeling na paggising mu palang sa umaga sya agad na
iisip mu. At yung feeling na ramdam na ramdam mu na mahal ka talaga nya. Yun
yun eh.
Pero sa dalawang nagmama
halan di mawawala yung tampuhan at
away. Minsan dun nila napapatunayan kung sila nga ba para sa isa’t isa. Dun din
nila napapatibay ang kanilang samahan. Dun din nila napagaaralan kung paano
magpakumbaba, kung paano maging pasensyoso/a. Sa isang relasyon kahit gaano pa
kayo magkabaliktad ng personalidad may isang taong magpapakumbaba at handing habaan
ang pasensya para sa kanilang minamahal. Pero hindi ibig sabihin nun na isa
lang ang magsasakripisyo, sa isang relasyon may nagiisang rule: GIVE AND TAKE.
Maling mali yung ikaw lage ang take ng take, kelangan mu din mag give kung
gusto mung maging mas matagal at puno ng pagmamahalan ang relasyon. Tama naman
diba?
Masarap at masakit ang magmahal. Di yan bastos. J Kung hindi ka nagmamahal
hindi ka masasaktan. Tandaan: Ang masaktan ay kasama pag tayo ay nagmamahal.
Okay lang na masaktan basta worth it ito.
"Masarap pag mahal ka ng taong mahal mu, pero mas masarap kung marunong ka magmahal."
No comments:
Post a Comment