Masarap ang magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na laging
nandyan sa tabi kahit ano mang oras, kaibigan na pede mung tawagan ng madaling
araw kapag di makatulog, kaibigan na handa kang sabayan sa mga kalokohan na
ginagawa mu, kaibigan na handa kang pagtanggol pag may nang aapi sayo, kaibigan
na tatayo mung kapatid at magulang kapag nagiisa ka, kaibigan na kahit ano mang
dumating na problema mas hinihigpitan ang hawak sa mga kamay mu, kaibigan na
itatago mu panghabang buhay.
Lahat ng tao ay kaibigan mu, pero di lahat pare-parehas ang
timbang. Merun yung kaibigan mu lang sya pag magkasama kayo, yung kaibigan mu
sya kasi kaibigan sya ng family/boyfriend/girlfriend. Merun din yung ni-plano
mu maging kaibigan, at merun di yung since birth kaibigan mu na. Ano nga ba ang
tunay na pagkakaibigan? Para saken ang kaibigan ay kapatid mu pero di kayo
magkadugo. Yung tipong mas alam nya ang lahat ng bagay sayo kesa sa mga tunay
mung kapatid. (Ganun kasi ako) Yung tipong una mu syang tatakbuhan pag may
problema o kaya pag may magandang nangyari sayo. Yung tipong kahit magkahiwalay
kayo at kahit gaano pa kalayo nananatili padin yung pagkakaibigan niyo.
Pero may mga kaibigan tayo na kahit gaano pa naten kaclose
pero sa isang iglap lang magiging stranger na saten. Naranasan mu nab a yun?
Masakit diba? Kahit sabihin naten na “Wala ako paki sa kanya” may part padin sa
pagkatao naten na nagca-care padin tayo para sa kanila. Hindi maiiwasan sa
magkaibigan ang magkaroon ng tampuhan. May mga tampo na pang isang oras lang o
kaya isang araw lang. May mga tampo din na umaabot na sa siraan (not totally,
pero may nakita na akong ganun). May mga tampo din na umaabot na sa pagkawasak
ng pagkakaibigan. At sa tingin ko yun yung pinaka masakit. Kaya para saken, as
long as na kaya kong intindihin at magpakumbaba gagawin ko dahil mas importante
sila kesa sa feelings ko. Dahil ang feelings pedeng mawala, pero ang
relationship mahirap mawala at masakit pag bigla bigla nalang nawala. Masakit
ang mawalan ng kaibigan.
Kaya ako hangga’t sa maaari ayoko mabawasan ang kaibigan ko
bukod sa pamilya ko sila ang aking lakas at the same time sila din ang kahinaan
ko. Mahal ko ang aking mga kaibigan. Mahal mu din mu ba ang iyong mga kaibigan?
Kung oo, paramdam mu sa kanila. Hindi yung sinasabe lang naten, yung lagi nga
tayo nasa tabi nila pero nararamdaman nila nagiisa sila. Masakit sa part nila
yun kasi bukod sa pamilya nila, tayong mga kaibigan ang inaasahan nila. Kaya sana
wag naten iparamdam na nagiisa sila kahit lagi lang naman nasa tabi nila tayo.
“Ang kaibigan ay parang waiting shed, laging nagaantay at
dadamayan ka, at sana hindi ka bus na hihinto sa kanila para magantay na
pasahero at aalis pagnakuha kana”
No comments:
Post a Comment