Tuesday, February 14, 2012

No-Comment


Badtrip na connection yan! Aisssh. Ang hirap pala talaga pag walang internet. NAKU! Paano na kapag strict sila dito, mabubuhay kaya ako? Haha. I don’t think so. Wala pa naman ako masyadong trabaho ditto ngayon. Amp. What should I tell you? What should I type? What I am thinking? NOTHING. Haha. Wala ako maisip na topic ngayon eh. Sobrang wala. Gusto ko magisip pero walang pumapasok sa utak ko. Haha. Ang gusto ko gawin ngayon ay matulog. Haha.
 Lately, ang takaw takaw ko na sa tulog. Haha. Kagabe maaga ako umuwe dahil ako nalang yung tao sa office, then pagkauwe ko nagpalit lang ako tapos humilata na sa kama diko napansin na nakatulog na pala ako. Nung nagising ako 9pm na, eh may usapan pa naman kame ni Ken na magonline ako kasi tuturuan ko sya sa accounting. Kaso sobrang antok pa ako nun, kaya nagpamessage nalang ako kay Piluur na di ako makakapagonline nun. Pero ang sinabe kong reason is masama pakiramdam ko, di naman masama , pagod lang talaga ako nun. K Sorry.

Lemme share this thought of me. EH? Hahaha.

“Wag kang papasok sa isang relasyon na hindi mu alam ang tunay na intensyon sayo”
Tama naman diba? Kasi sa panahon ngayon masyadong kakaiba magisip ang mga tao ngayon, madami ng manloloko ngayon. Kaya wag tayo magbibigay ng buong tiwala sa isang tao kahit pa gaano na kayo kaclose o kahit araw araw pa kayo magkasama. Kasi sa panahon ngayon madali tayo maimpluwensyahan. Sorry kung medyo malabo. Diko kasi maikwento yung side ko e, masyado kasing confidential sya. Haha. May ganun? Oo, may ganun nga. Basta ako, madami akong lessons na nalaman because of THAT story. I should be more careful na, especially when it comes to a relationship. J Hahaha.

Eto pa, there’s a friend of mine na kinaiinisan ko, not totally inis. FINE. Kinatatampuhan ko. TSK. Eh paano ba naman she didn’t know how to balance her time with her friends and with her SOMEONE kuno. Tapos, di pa sila pero they act like one. Diba? Holding hands, hugging each other, and sometimes kissing. Amp. Diba? Tsk. Ewan ko ba. I ALWAYS try to hide THAT feeling to them kasi they’re my close friends. Pag magkakasama kame lagi silang magkadikit, pag sila lang magkadikit padin. Alam mu yun. Di na sila nakikipagbonding samen. Oo, nakakasama namen sila pero sino sila taga tawa? Di na nga naghihiwalay, tagakinig at taga tingin nalang. Bonding ba tawag dun? Di naman diba? I miss the old them. Yung tipong makakausap mu pa. Okay, nakakausap ko padin sila pero LIMITED nalang. Yung feeling na you have to end the conversation because you feel awkard na. Diba? Di na tama yun. TSK. Saka dumadami na naman ang sakit ng G1, ang PDA crew. Okay lang naman eh, pero sana pag nasa grupo may limitations na. Di nila napapansin na madami ng naiilang sa kanila. Kahit ako maiilang sa ganun eh. And I really hate that moment when they push someone to others and tease them. It’s like WHAT THE FUCK! Gumagawa ka ng clone mu teh? HAHAHA. >:D Diba? I’m so mean. Pero totoo naman kasi, oo lagi ako wala dyan pero balitas is always have wings to fly. Haha. Conyo teh? Hahaha. :P

Oh ayan, may naikwento din ako. Haha. Natatawa ako sa connection namen parang kabute, pasulpot sulpot. Kelangan ko bantayan para makapag facebook lang. Adik? Hahaha. Yes Iam. XD Haha.

That’s it for today.

No comments:

Post a Comment