Wednesday, February 29, 2012

What If?

What if kung yung close friend mu ang bagong girlfriend ng ex mu/crush mu? Ano gagawin mu? Ano dapat maramdaman mu? Magagalit kaba? Patatawarin mu ang ang cloise friend mu? O dededmahin mu nalang at hahayaan sila at mag-momove on ka nalang?

Dun muna tayo sa "ex", my friend is experiencing this at close ko din yung bagong girlfriend nung ex nya. Sa una okay lang saken kasi in the first place diko naman ex yun. Am I right? Haha. Okay serious na. Nung una lang talaga okay lang saken kasi nagustuhan ko "ex" para kay friend#2 kasi nagkakasama din kameng tatlo at I find it cute kapag magkasama sila. They look like a real couple at the same time a best friend. Kaya wala akong tutol dun. Pero nung tumagal tagal na ang pagiging closeness nila, medyo napagiiwanan na nila ako. Huhu. And I feel awkward na kapag kasama ko sila na dati diko naman nafefeel yun. Dun ko lang pala napansin na mas nakakailang yun sa part ng friend#1 ko, kasi close sila ni friend#2 then magkakaroon sila ng relasyon ng "ex" nya? What the FVCK! Diba? Sobrang awkward yun teh! And I pity her. Really. Kasi sobrang sakit sa part nya yun at kung ako yun diko lang alam kung matatake ko pa na makipag friends pa dun. Diba? Grabe. Kaya I really don't know kung ano ba gagawin ko kung magagalit ba ako or papatawarin nalang sa kadahilanang "KAIBIGAN" ko sya. Pero sabe nga diba "Losing a close friend is a worst than losing a lover". TRUE! No need to explain.

Sa "crush" naman tayo. A little bit of hurt lang kasi crush mu lang naman yun e. Pero di din maiiwasan na masaktan at magalit ka, yun nga lang hindi mu alam kung kanino ka magagalit, kung sa friend mu or kay "crush".   Shempre pag sila na ni friend mu hindi maiiwasan yung magkwento at makita mu kung gaano sila kasweet sa iba. Yung tipong "oo ka lang ng oo" pero sa likod ng utak mu gustong gusto mu na silang patayin. At hindi mawawala ang comparison dyan. "Bakit sya? Mas maganda ba sya saken? Mas mabango ba hininga nya saken? Mas maputi ba kili-kili nya saken?" And you feel pity for yourself. Aw.

That's only my insight about my topic. Haha. THAT'S IT! :)

3x

OMG. What'z the meaning of thizzz? Haha. Ang weird lang talaga.

Btw, kahapon sobrang sama ng pakiramdam ko pero ngayon medyo okay na, kakasahod lang e. Joke. Hahaha. I need to be a wise user. Jusko. Ang gastos ko kaya. Tipid tipid din meeeehhhhnnn. XD

Why Girls Hate Each Other

Don't deny it. 

It's no secret that girls are mean to each other. From movies like "Mean Girls", to reality shows like "The Bachelor", to real-life, we've all seen girls in conflict. Just why are girls so mean?
 
Girls are competitive. From an early age, we are taught that the girls more fashionable shoes are better that the ones without them. As we get older, it doesn't change. We're always one-upping each other. Girls are cliquey, once we have our group of friends, the bond is tight. It's hard to let someone else in, and this causes hurt feelings and conflict. Girls are sensitive. Hormones might be to be blame here, but if your friend's having a bad day and frustrated with you on top of it, she's probably going to let you know it, whether you're prepared to hear it or not. Girls are looking for a man. I don't know how to explain this, but I know you'll get it. Girls are jealous. Girls get jealous of other girls' hair, smile, clothes, man- you name it. It happens. Girls have quirks. Some girls like to talk in squeaky baby voice. Some girls like to say "LOL" after every comment they make. These quirks bother other girls, leading those girls to hate them. For example, once you hate someone, everything they do is offensive, "Look at this bitch eating those fvcking crackers like she owns the place". Hahaha. Very mean! >:D Girls are territorial. We like our space, and it's not always easy for someone else to enter it. Girls are aggresive. While guys can throw a few punches and get on with their lives, girls are aggresive in other ways. Hateful words and mean looks are just couple of ways that girls express their anger, usually over a long period of time. Last but not the least, girls hold grudges. 4 years ago, one of my best friends and I cut the ties. Why? I don't even remember the whole story. :| The point is, girls hold grudges- grudges that have the potential to end friendships. 

This is why I think girls hate each other, but I'm not telling you guys that girls are so very mean, yeah, sometimes. Hahaha. Love your girl friends. <3

Tuesday, February 28, 2012

Wala-Ako-Ma-Title

Bakit kaya ganun? Dalawang beses na nangyari yun, at parehas na parehas sa unang nangyari? Ano kaya nakaen nun? Haha. Well, curious lang naman ako noh? Tingnan naten kung may pangatlo pa, pag merun baka nagbago na isip nya. Hihihi. Chos!

XD

I'm Weak Today

I feel like I'm dying today. :( Sobrang nanghihina ako. Tsk. Medyo masama na naman pakiramdam ko, ngalay na ngalay yung buong katawan ko. Bakit kaya? Wala naman ako lagnat, di rin naman ako dadatnan. Siguro pagod lang talaga ako. Gusto ko magbakasyon ng isang linggo. Yung tipong higa, kaen, tulog, nuod TV, facebook, tumblr, twitter, skype. Yung tipong buhay prinsesa lang talaga. Hahaha. Sige na, one week lang. :)

May kwento ako, totoo bang pag nagigising ng mga 2-3am may nakatingin sayo na something. :/ Hahaha. E kasi madalas ako magising ng ganun, tapos naaalala ko yung Paranormal Activity pag ganun. Hahaha. Natatakot ako, feeling ko tuloy may nakatingin saken nun. Mas lalo ako di nakakatulog. :| Waaaah. I'm scared! Awooooo. XD

Yun lang for today. Wala naman ako makwento ng bongga kasi nasa office lang naman ako. Walang thrill ang araw araw ko. :( Hahaha. (//_-) Emo mizz!

Monday, February 27, 2012

Oppa.

Annyong haseyo! :) Kkk. Happy ako. May friend na ako ng Koreano, his name, Marcus Kim. :D Nakilala ko sya sa hipenpal.com, kakatuwa lang talaga kasi sobrang baet nya. Hahaha. Nagkausap na kame sa skype, at tinuturuan nya ako! Oh diba? ASTIG! Nanuen gippeoyo! :) Kkk. Hala ka! Feel na feel ko na sya.

Basta super happy ako kasi ang baet nya. And he allowed me to call him "Oppa". Kkk. :"> Gustong gusto ko talaga yung Oppa!! Kakatuwa lang. I hope someday we will meet. :>

Eto lang muna for today! 

Annyonghi kasayo! 

Sunday, February 26, 2012

Trials.

Sa wakas, nasabi ko nadin kay Mama na napapagod na ako. Pero diko padin sinabe na di ako magtatake. Isa isa lang muna, wag biglain. May tamang oras ang lahat ng bagay. :)

I'm scared now. Ewan ko kung kakayanin ko pa ba to. Si Papa kasi, diko alam kung paano sabihin, pero nanghihina na sya. Ang dami na nyang nararamdaman. Nahihilo, masakit ang ulo, nanghihina. :( Natatakot ako, kasi sabe nya saken alagaan ko daw si Mama. Shempre ako diko papakita na natatakot ako, dinedma ko nalang pero deep inside gusto kong umiyak. Pangalawang beses na nya sinabe yan saken. Inisip ko paano pag nangyari yung kinakatakutan ko? Paano na kame? Diko alam kung ano na mangyayari saken. Natatakot talaga ako.

Nung isang gabe, pinagpray ko talaga kay God yun. Na sana maging maayos na si Papa, na sana wag muna sya mawala samen. And I also pray na kung may karamdaman man sya saken nalang ibigay, sakin nalang. Please. Kailangan namen sya. Kailangan sya ni Mama. Kailangan sya ng mga kapatid ko. Kaya sana akin nalang yung sakit nya. Titiisin ko. Lalabanan ko.

Sila ang kalakasan ko at the same time sila ang kahinaan ko. Kaya pag wala sila, wala din ako. Kung sa tingin na iba na wala ako pakialam sa pamilya ko isanng malaking pagkakamali yun. Kahit gaano pa ako galit sa kanila, kahit gaano ko pa sila kinaiinisan, pero sa sulok ng pagkatao ko, mahal na mahal ko sila. Sino ba naman ang hindi mahal ang pamilya? Wala naman diba? May mga bagay lang talaga na hindi nauunawaan ng mga pamilya naten.

Sa ngayon, ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ang mas maging matapang na tao. Alam ko darating yung time na yun, kaya kailangan ko magipon ng lakas ng loob para harapin ang mga bukas na puno ng laban. Alam kong kakayanin ko to, pero madaming tao/bagay na haharangin ako at pilit na ibababa. May malaking responsibilidad na ako sa buhay ko, kelangan ko ng gampanan yun. As in ngayon, hindi bukas, o sa makalawa. NGAYON!

Lord, guide me. Guard my heart. Give me strength to face these. I know you have the reason why these things happen, I'll trust you. I have faith on you. I know your love is unconditional. Thank you for loving me inspite of the sins I did, I do.

:)

K. I don't know what to say.

Happy 4th Anniversary GROOVE ONE. I love you all. <3

Wednesday, February 22, 2012

Post-Title

Feel ko lang mag-blog ngayon. :) Ayun, nakikinig na naman ako ng forever favorite ko na "Broken Hearted Girl". Never ako nagsawa dito. Haha. Kahit ilang beses ko sya pakinggan parang bagong bago padin sya sa pandinig ko. Naalala ko tuloy paghinihiram ko yung phone ng friend ko yun lagi pinapakinggan ko. Tapos sila umay na umay, hanggang sa dumating na yung time na binura na ni Piluur yun sa playlist ng friend ko. Haha. Gusto mu yun? :) Kaya pag nasa bahay nalang ako at sa office ko sya napapakinggan. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto yun. Siguro nakakarelate? Haha. Di naman ako broken hearted ah. I'm just a girl. Eh? Haha. Naalala ko din yung sa pinanuod namen ni Piluur na One Day, sinabe ng bida dun "I'm not lonely, I'm just alone" Ansabeeee mu? Hahaha.

Tapos may ginagawa akong secret mission, ngayon di na secret pero secret padin sya kasi diko sasabihin kung ano yun. Ha? LABO! Hahaha. :)) Alam mu naman ako, I love surprises! I love to suprise my friends. :)) Yikee. Sino kaya yun? Hahahahaha. Pede din ikaw? E bakit hindi nalang yung kapitbahay niyo? Haha. LOL.

Hey! Diko pala sure kung makakapanuod ako bukas sa school. Kasi mukang madami kame gagawin bukas e. :( Tsk. Patay ako neto! Gusto ko pa naman manuod kasi shempre si Piluur at Benj yung representative ng G1. Gusto mu yun? Ako oo! Hahaha. Paano kaya yun? Bahala na. :) Gagawa tayo ng paraan. Tandaan: Ang ayaw madaming dahilan. Ang gusto madaming paraan. At dahil gusto ko, madami na akong naiisip na paraan. Remember magaling ako sa mga ganyan? Hahaha. Samen magkakaibigan nila Pat at Owen ako ang pinaka madiskarte. XD Haha. Nakuha ko yun kay Ma'am Acosta!

Speaking of Ma'am Acosta, miss ko na sya! Sana pag nagkita ulet kame CPA na ako. :) Dahil may aaminin ako sa kanya. Secret din kung ano yung sasabihin ko, pag CPA na ako. SOON! :))

Yun lang. Hahaha.

#activeako

Tuesday, February 21, 2012

3-SONG THAT MADE MY DAY

Nakita ko lang to sa binabasa kong blog and I like it. :)


And I'm here to remind you of the mess you left
when you went away.
It's not fair to deny me of the cross I bear
that you gave to me.
You, you, you oughta know


Could you look me in the eye and tell me
that you;re happy now? Ohh, ohh.
Would you tell it to my face or have I been erased?
Are you happy now?
Are you happy now?


Yeah, I'm working, making money, I'm just starting to build a name.
I can feel it, around the corner, I could make it any day.
Mother, mother can you hear me, sure I'm sober, sure I'm sane.
Life is perfect, never better, still your daughter, still the same.
If I tell you what you want to hear,
Will it help you to sleep well at night?
Are you sure that I'm your perfect dear?
Now just cuddle up and sleep tight.
I'm hungry
I'm dirty
I'm losing my mid
Everything's fine!
I'm freezing
I'm starving
I'm bleeding to death
Everything's fine!
I miss you
I love you.

Yung mga lyrics na copy-paste ko dun ako nakakarelate. Haha. Wala lang may masabi lang. :)




LOSING A FRIEND

ALL CAPS AKO NGAYON! ALL CAPS KASI GIGIL AKO SA TOPIC KO NGAYON, KUNG SA PERSONAL KO TO SASABIHIN BAKA PASIGAW KO TONG SINASABI. HAHAHAHA. =))

YUNG FEELING NA NANGYAYARI NA PERO AYAW MU PADIN PANIWALAAN. MINSAN IKAW NA YUNG GUMAGAWA NG EXCUSES PARA SAKANILA. BUT YOU'LL STILL FEEL THE CHANGE, AND BECAUSE YOU CAN'T RATIONALIZE IT, YOU'LL TRY TO IGNORE IT.

YUNG LAGI KAYO MAGKAKASAMA DATI, SABAY KUMAEN, GAGALA KUNG SAAN SAAN. DATI KAHIT 24-HOUR PA KAYO MAGKASAMA DI KAYO NAGSASAWA, HINDI NAHIHINTO YUNG KWNETUHAN NGAYON. PERO NGAYON ANG15 MINUTES SA INYO PAG MAGKSAMA KAYO PARANG BUONG ARAW NA SAYO. LESS TALK. MINSAN PARANG PURO TULALA LANG ANG GINAGAWA NIYO. MINSAN PAG NAGSCROLL KA NG CONTACTS SA PHONE MU HIHINTO KA SA NAME NIYA TAPOS YOU TRY TO TEXT OR CALL THEM PERO BIGLA MU NALANG IBABACK KASI NAGDODOUBT KA KUNG REREPLAYAN KABA OR SASAGUTIN YUNG TAWAG MU.

SOMETIMES, THERE'S NO HUGE FIGHT THAT MARKS THE END OF A FRIENDSHIP. NO FALLING OUT, NO MAJOR DISAGREEMENTS. SOMETIMES IT JUST FALLS APART FOR NO GOOD REASON. DISTANCE. NEW RELATIONSHIPS. PRIORITIES. AS WE GET OLDER, WE TEND TO DOWNSIZE, PRIORITIES. TRIM TO THE CORNER OF OUR LIVES, KEEPING WHAT'S IMPORTANT AND DISCARDING WHAT ISN'T. SOMETIMES, WE STOP NEEDING PEOPLE IN OUR LIVES.

SABE KO NGA SA STATUS KO: LOSING A CLOSE FRIEND IS WORSE THAN LOSING A LOVER. TAMA NAMAN DIBA? ANG LOVERS MARAMI, KAHIT SAAN PEDE KA KUMUHA DYAN PERO DI YAN KAIBIGAN NA MADALING PALITAN KASI IT TAKES TIME PARA MASABI MUNG CLOSE/BEST FRIEND NA KAYO NG ISANG TAO. DI TULAD NG LOVERS NA IN ONE MONTH OR ONE WEEK MASASABI MUNG "AY GUSTO KONG TAONG TO" "MAHAL KO NA SYA". DIBA? FRIENDSHIP IS A SPECIAL LOVE THAT'S NOT SUPPOSED TO FADE. DI MU INEEXPEXT NA YUNG TAONG LAGI MUNG KASAMA, LAGI MUNG KARAMAY, LAGI MUNG KASAMA SA KALOKOHAN MAWAWALA NALANG NG BIGLA BIGLA AT WALANG PAALAM YOU FEELING LIKE CHEATED, INIISIP MU "ANO BA AKO SAKANILA. IMPORTANTE BA AKO SA KANILA O AKO LANG NAGBIGAY NG IMPORTANSYA SA KANILA?"

AND THE WORST PART OF IT, YOU DON'T EVEN KNOW HOW TO EXPLAIN YOURSELF!!!! YOU KNOW IF YOU BRING THIS UP WITH THEM THEY'LL GIVE YOU A BLANK EXPRESSION AND BLANK EXCUSE. YOU DON'T WANT TO EXPLAIN HOW YOU FEEL. YOU CAN'T. YOU JUST WANT THEM TO GET IT, TO READ YOU LIKE THEY USED TO BE ABLE TO. YOU WANT TO TAKE THEM BY THE SHOULDERS AND SHAKE THEM, SCREAMING "WHERE ARE YOU? WHAT HAPPENED?!!" UNTIL YOU'RE BLUE IN THE FACE. BUT YOU CAN'T DO THAT EITHER, BECAUSE YOU'RE NO LONGER ON THE SAME LEVEL AND IT'S GOING TO MAKE YOU FEEL CRAZY. :( :|

IN LIFE, IT'S GIVEN THAT YOU WILL LOSE PEOPLE. PEOPLE WILL FLOW IN AND OUT LIKE CURTAINS THROUGH OPEN WINDOW, SOMETIMES FOR NO REASON AT ALL. BUT LOSING SOMEONE IMPORTANT TO YOU WILL FEEL LIKE A SUCKER PUNCH EVERY SINGLE TIME, AND YOU'LL NEVER SEE IT COMING. :(

WHICH MAKES THE FRIENDSHIPS THAT DO HOLD OUT, THE ONES THAT MAKE IT THROUGH COUNTLESS BREAKDOWNS AND BREAKTHROUGHS AND CHANGES AND YEARS SO DAMN IMPORTANT?


Monday, February 20, 2012

K.

Hello! Hanggan ngayon wala padin ako maisip na maipost ngayon. Nagiisip ako na pedeng maitopic para naman kahit papaano may sense naman tong blog ko. Haha. Merun naman kahit papaano e. :P

"Don't let anybody tell you that you can't"

Tama naman diba? Sino ba sila para sabihin na hindi mu kaya kung alam mu naman sa sarili mu na kakayanin mu. Once na sinabe nila na hindi mu kaya, dyinajudge na nila yung kakayahan mu. Alam mu kung ano ang mas magandang revenge para sakanila? Ipakita at IPAMUKA mu sa kanila na kayang kaya mu! Kasi pag nagpaapekto ka sa mga sasabihin ng ibang tao parang binigyan mu sila ng karapatan ng kontrolin ka, binigyan mu sila ng karapatan na apak-apakan ka. (OA! Haha). Pero tama naman diba?

Hindi masama ang lumaban, lalo na kung alam mung hindi patas ang patakaran sa laro. Hindi masama ipagtanggol ang sarili sa ibang tao, dahil ikaw lang mismo ang nakakakilala sa sarili mu, sa kakayanan mu.

Prove yourself! (Wala na ako masabi)


Sunday, February 19, 2012

Haaaaannnnggg Laaaammmiiiigggg

Good morning! :) Ayun, medyo ayos na connection namen sa office pero may mga times na nawawala sya. Pero okay na. Tyaga tyaga nalang din. Hehehe. Eto, umuulan na naman sya. Katamad kumilos, sarpa matulog. Haaayyy.

Yun lang. Tamad ako magkwento. :|

Tuesday, February 14, 2012

No-Comment


Badtrip na connection yan! Aisssh. Ang hirap pala talaga pag walang internet. NAKU! Paano na kapag strict sila dito, mabubuhay kaya ako? Haha. I don’t think so. Wala pa naman ako masyadong trabaho ditto ngayon. Amp. What should I tell you? What should I type? What I am thinking? NOTHING. Haha. Wala ako maisip na topic ngayon eh. Sobrang wala. Gusto ko magisip pero walang pumapasok sa utak ko. Haha. Ang gusto ko gawin ngayon ay matulog. Haha.
 Lately, ang takaw takaw ko na sa tulog. Haha. Kagabe maaga ako umuwe dahil ako nalang yung tao sa office, then pagkauwe ko nagpalit lang ako tapos humilata na sa kama diko napansin na nakatulog na pala ako. Nung nagising ako 9pm na, eh may usapan pa naman kame ni Ken na magonline ako kasi tuturuan ko sya sa accounting. Kaso sobrang antok pa ako nun, kaya nagpamessage nalang ako kay Piluur na di ako makakapagonline nun. Pero ang sinabe kong reason is masama pakiramdam ko, di naman masama , pagod lang talaga ako nun. K Sorry.

Lemme share this thought of me. EH? Hahaha.

“Wag kang papasok sa isang relasyon na hindi mu alam ang tunay na intensyon sayo”
Tama naman diba? Kasi sa panahon ngayon masyadong kakaiba magisip ang mga tao ngayon, madami ng manloloko ngayon. Kaya wag tayo magbibigay ng buong tiwala sa isang tao kahit pa gaano na kayo kaclose o kahit araw araw pa kayo magkasama. Kasi sa panahon ngayon madali tayo maimpluwensyahan. Sorry kung medyo malabo. Diko kasi maikwento yung side ko e, masyado kasing confidential sya. Haha. May ganun? Oo, may ganun nga. Basta ako, madami akong lessons na nalaman because of THAT story. I should be more careful na, especially when it comes to a relationship. J Hahaha.

Eto pa, there’s a friend of mine na kinaiinisan ko, not totally inis. FINE. Kinatatampuhan ko. TSK. Eh paano ba naman she didn’t know how to balance her time with her friends and with her SOMEONE kuno. Tapos, di pa sila pero they act like one. Diba? Holding hands, hugging each other, and sometimes kissing. Amp. Diba? Tsk. Ewan ko ba. I ALWAYS try to hide THAT feeling to them kasi they’re my close friends. Pag magkakasama kame lagi silang magkadikit, pag sila lang magkadikit padin. Alam mu yun. Di na sila nakikipagbonding samen. Oo, nakakasama namen sila pero sino sila taga tawa? Di na nga naghihiwalay, tagakinig at taga tingin nalang. Bonding ba tawag dun? Di naman diba? I miss the old them. Yung tipong makakausap mu pa. Okay, nakakausap ko padin sila pero LIMITED nalang. Yung feeling na you have to end the conversation because you feel awkard na. Diba? Di na tama yun. TSK. Saka dumadami na naman ang sakit ng G1, ang PDA crew. Okay lang naman eh, pero sana pag nasa grupo may limitations na. Di nila napapansin na madami ng naiilang sa kanila. Kahit ako maiilang sa ganun eh. And I really hate that moment when they push someone to others and tease them. It’s like WHAT THE FUCK! Gumagawa ka ng clone mu teh? HAHAHA. >:D Diba? I’m so mean. Pero totoo naman kasi, oo lagi ako wala dyan pero balitas is always have wings to fly. Haha. Conyo teh? Hahaha. :P

Oh ayan, may naikwento din ako. Haha. Natatawa ako sa connection namen parang kabute, pasulpot sulpot. Kelangan ko bantayan para makapag facebook lang. Adik? Hahaha. Yes Iam. XD Haha.

That’s it for today.

Monday, February 13, 2012

My-Dream-Room

By March kasi matutuloy na ang pinaka matagal na balak na reblocking, so we need to move our house. Hahaha. Pulubi? Ang plano kasi nila up and down na kaya magkakaroon na ulet ako ng sariling kwarto. Sabe ko agad kay Mama na ako magdedesign ng kwarto ko "Walang pakielamanan ah". Yan talaga agad yung sinabe ko kay Mama. Sabe nya bahala daw ako sa buhay ko, basta ako daw yung gagastos. Haha. Oo naman. May plan na kasi ako bumili ng cellphone sa June pero dapat March na ako talaga bibili pero mas uunahin ko muna yung kwarto ko. Pangarap ko to magdesign ng kwarto ko noh! Hahaha. YEHEY! Here's my idea for my room:


Gusto ko polka dots yung bed sheet ko. Hehe. Wala lang. Pero yung pillows naman di ganun. I want a simple white pillow mas masarap kasi syang higaan lalo na pag sobrang lambot. Hehe. Like this oh...



White Pillow.


Then I want this one! BADLY. Hang cute nya lang, maghahanap talaga ako ng ganito yung sa baba lang yung print then white yung base. :) Cute diba?

For my wall, Shempre 4 corners yun and I want to be creative at sana maachieve ko ang mga ito. Gusto ko messy yung style ng wall ko para "Aftig". Hehehe. 


Eto yung sa right side ko. I will call it "Free Wall". Haha. O diba? Gusto ko magsusulat yung mga magoovernight sa kwarto ko para naman may remembrance. Haha. As if merun nagoovernight. Soon. ^^ Pag ayos na ang bahay namen. Hahaha.


Eto naman yung sa left side ko. Alam mu naman ako masyadong vain at hilig ko din yung mga printed pictures kaya ganyan yung itatry kong paint (crossfingers) para idikit ko lahat nga mga favorite captured moments ko with my friends. :)) Cute noh? Haha.


Nakita ko lang to kay Piluur. Haha. Gaya gaya ako eh. :P I find it cute. So gagawin kong pure white lang yung sa upper side ng wall ko para sa mg notes ko at mga poster nadin siguro. Hahaha. 


This is my first idea, hang cute kasi pag puro finger print yung wall eh. Diba?


Naisip ko maganda din siguro kung I'll paint using my fingers like this. Haha. Para naman makita na magaling din ako magdrawing tulad neto. Haha. :D

Naiimagine ko na yung magiging itchura ng dream room ko. :) Sana magawa ko ang lahat to! Haha. Hingi ako ng help if ever sa mga friends ko na mga creative. :)) YEHEY!!!!







Araw ng mga PUSO.

Happy Valentines's Day everyone! Mamigay tayo ng hugs & kisses. Wag lang tayo magpapaputok, mahirap ang buhay. Hahaha. <3 Enjoy your day lovers, sana bukas break na kayong lahat. JOKE!!! Hahaha. >:D


I love you. 
I miss you.
I care for you.
I want you forever.
I will alwways love you. 

<3

Trying.


Humahaba na ang aking buhok, at sa ngayon wala muna ako balak magpagupit. Tatry kong magpahaba. TATRY lang ah. Diko mapapangako. Mahirap makipaglaban sa buhok ko eh. Hahaha. If ever na mapahaba ko sya gusto ko yung ganito. 





Gusto ko ang full bangs ngayon. Haha. Kasi sa tingin ko nakakapagbata yun. Hehehe. :) Kaya try ko talaga magpahaba,try ko din magpakulot? Eh? Wag na. Hahaha. Madami na pala silang kulot. Hahaha. Mag stay na ako sa forever na straight or mejo ipawavy ko ng unti para naman may thrill. Hehehe. 

Okay. Desidido na talaga ako. Hahaha. See you soon long hair. ^^

Sunday, February 12, 2012

I love you Piluur! ^^

Eksayted na ako sa Feb24. :"> Haha. Si Piluur ang representative ng G1 para sa Ms. Sportsfest. Gusto mu yun? Haha. At si Babe Kavin naman yung sa Mr. Sportsfest. At ako ang may pakana ng lahat. Hehehe. 

Jusko! Kayang kaya nila yun noh. Suportang suporta kame sa kanila. Yikeee!! Mauubos na naman ang aking boses. Handang handa na ako dun. Haha. Yun lang muna for the mean time. ^^

It's My Birthday Week. :)

Hello. Good morning. Grabe sobrang lamig ngayon. Hug please. :)


Ayun, like what my title said, it's my birthday week. Yikee. Haha. Tatanda na naman ako. 21 na ako! I think totoong nasa lega age na ako. Pede na ako mag asawa. Asawa agad? Diba pedeng boyfriend muna? HAHAHA. =)) 


*Saturday
Of course nagpunta ako ng school para magtraining at tamang tama Krumping yung ginawa. Haha. Jusko. Sa lahat ayaw ko ng nun kasi di ako marunong. Hahaha. Hang lambot kaya ng katawan ko diko kaya yung mga ganun pero di ako pede maginarte noh? Masaya sya infairness ah. Haha. At ang masaya pa nakasama ako sa Master Class. Gusto mu yun? Haha. :) Katuwa lang. :P Muntanga lang ako e. Ilang beses ko sya pinanuod. Tuwang tuwa talaga ako. :"> Sana araw araw nalang Saturday para Dance Day ko araw araw. Haha. Ang masaklap lang ang sakit ng katawan ko. :| Huhu. Parang buong katawan ko may pasa ang hirap gumalaw. Haha. Pero ang sarap sa feeling kasi yung dahilan ng pagsakit ng katawan ko ay dahil sa pagsayaw. Ang sarap lang talaga sa feeling para Rebisco. Ang sarap ng feeling mu. Joke yun? Ay hindi, tula yun! Bobo much? Sige barahin ba yung sarili? Hahahahaha. :)


Then after nung training sa UP kame ni Benj dumaan para sabayan sila Piluur at Faith, nakakamiss din kasi dumaan dun eh. At shempre para kwentuhan in the air sa byahe. Tapos nagdecide kame ni Benj na bumaba sa Sunken Garden. Memories? Haha. As usual tambay kame dun hanggang 9pm. :) Haha. Hang daming kwentuhan na masyadong confedential ikwento. Tapos sinabe ko sa kanya na may part na totoo yung pinagsasabi namen ni Piluur sa kanya. Hehehe. Arte much? Haha. Tapos uwian na! Haha.


Yun lang, kahit mga 11hours ko lang sila nakasama sobrang saya ko! Sulit ang 11 hours. :"> Hihihihi. I will always love you guys. :*

Thursday, February 9, 2012

K-A-I-B-I-G-A-N


Masarap ang magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na laging nandyan sa tabi kahit ano mang oras, kaibigan na pede mung tawagan ng madaling araw kapag di makatulog, kaibigan na handa kang sabayan sa mga kalokohan na ginagawa mu, kaibigan na handa kang pagtanggol pag may nang aapi sayo, kaibigan na tatayo mung kapatid at magulang kapag nagiisa ka, kaibigan na kahit ano mang dumating na problema mas hinihigpitan ang hawak sa mga kamay mu, kaibigan na itatago mu panghabang buhay.

Lahat ng tao ay kaibigan mu, pero di lahat pare-parehas ang timbang. Merun yung kaibigan mu lang sya pag magkasama kayo, yung kaibigan mu sya kasi kaibigan sya ng family/boyfriend/girlfriend. Merun din yung ni-plano mu maging kaibigan, at merun di yung since birth kaibigan mu na. Ano nga ba ang tunay na pagkakaibigan? Para saken ang kaibigan ay kapatid mu pero di kayo magkadugo. Yung tipong mas alam nya ang lahat ng bagay sayo kesa sa mga tunay mung kapatid. (Ganun kasi ako) Yung tipong una mu syang tatakbuhan pag may problema o kaya pag may magandang nangyari sayo. Yung tipong kahit magkahiwalay kayo at kahit gaano pa kalayo nananatili padin yung pagkakaibigan niyo.

Pero may mga kaibigan tayo na kahit gaano pa naten kaclose pero sa isang iglap lang magiging stranger na saten. Naranasan mu nab a yun? Masakit diba? Kahit sabihin naten na “Wala ako paki sa kanya” may part padin sa pagkatao naten na nagca-care padin tayo para sa kanila. Hindi maiiwasan sa magkaibigan ang magkaroon ng tampuhan. May mga tampo na pang isang oras lang o kaya isang araw lang. May mga tampo din na umaabot na sa siraan (not totally, pero may nakita na akong ganun). May mga tampo din na umaabot na sa pagkawasak ng pagkakaibigan. At sa tingin ko yun yung pinaka masakit. Kaya para saken, as long as na kaya kong intindihin at magpakumbaba gagawin ko dahil mas importante sila kesa sa feelings ko. Dahil ang feelings pedeng mawala, pero ang relationship mahirap mawala at masakit pag bigla bigla nalang nawala. Masakit ang mawalan ng kaibigan.

Kaya ako hangga’t sa maaari ayoko mabawasan ang kaibigan ko bukod sa pamilya ko sila ang aking lakas at the same time sila din ang kahinaan ko. Mahal ko ang aking mga kaibigan. Mahal mu din mu ba ang iyong mga kaibigan? Kung oo, paramdam mu sa kanila. Hindi yung sinasabe lang naten, yung lagi nga tayo nasa tabi nila pero nararamdaman nila nagiisa sila. Masakit sa part nila yun kasi bukod sa pamilya nila, tayong mga kaibigan ang inaasahan nila. Kaya sana wag naten iparamdam na nagiisa sila kahit lagi lang naman nasa tabi nila tayo.


“Ang kaibigan ay parang waiting shed, laging nagaantay at dadamayan ka, at sana hindi ka bus na hihinto sa kanila para magantay na pasahero at aalis pagnakuha kana”

Wednesday, February 8, 2012

Blogsssssss. :)

Di nawawala sa listahan ko tingnan at bisitahin ang mga favorite blogs ko. :) Ahihihi. Someday magkakaroon din ako ng mga ganitong blog. Yung puro fashion ba. Hahaha. :)) Here's my favorite blogs. :)

Haha. Mageenjoy kayo dito. Promise! :))

Like!

Natutuwa ako pag nililike ng mga taong hinahangaan ko yung status ko sa facebook. Hahaha. Wala lang. Natutuwa lang ako. Hihihi. :"> Lalo na pag LSDC yung naglike. Kinikilig ako bigla. Haha. Tulad ni Ikat Gallardo, Rash Leano, Joy Aggabao, Martin Klarence Manalo, at ang bago ngayon si Jara Nakamura. Here's my proof. :)





Haha. O diba? Yung iba naman nasa lappy ko. Next target ko si AC Suico saka si Gino Ong. Ay isa pa si Job Zamora. Hahaha. Kahit ang tagal ko na silang di nakikita, at kahit madami akong nakikitang grupo na mas magaling sa kanila at malakas sa kanila sila parin ang idol ko, may loyalty ata to! Hahaha. Gusto mu yun? Sakanila ako unang nainspire kaya walang makakapalit sa kanila. Pede naman ako mainspire sa iba eh, pero mas the best padin sila para saken. Hahaha. Yung mga kasama ko sa G1 yung napanuod nila yung ReQuest nakalimutan na nila yung LSDC. :( Nasad? Haha. Chos! Hahaha. Idol ko din naman ReQuest eh, gustong gusto ko nga sila eh. Kaso LSDC padin ako. Haha. Gusto mu yun?

Osya. Ayaw ko na. Hahaha. 

Tuesday, February 7, 2012

Pa-MILYA

Family is the basic unit of society. Naaalala ko pa yan. Hahaha. Nung Elementary ko unang narinig yan sa teacher ko. O diba? Ang galing ng memory ko. Hahaha. Joke. Game na? GAME!

Ano nga ba ang pamilya? Magkakasama. Laging masaya. Marunong umintindi. Sasamahan ka sa hirap at ginhawa. Open sa isa't isa. Hindi madamot. At ang higit sa lahat puno ng pagmamahal. Yan ang pagkakaalam ko na merun sa isang pamilya, yan ang pamilya na pinapangarap ko matagal na.

Alam ko walang perpektong pamilya at masasabi ko na isa na kame dun. Madalas ako mainggit sa mga kaibigan ko na malapit sa kanilang pamilya. Yung nakakapagsabe sila ng I love you, kikiss pagdumating at bago umalis, yung may bonding moments, yung nakakapagopen ka sa mga nangyayari sayo, yung magiging bestfriend mu sila panghabangbuhay. Sobrang laki ng inggit ko pagdating sa pamilya, kasi alam ko sa sarili ko na malayong malayo yung pamilya ko sa kanila. Ni hindi pa ng ako nakakapagsabe ng I love you sa kanila pero pag sa someone ko at sa mga friends ko ang dali lang sabihin sa kanila. Ni hindi nga ako nakakapagkiss sa kanila araw araw eh, ang pagakkatanda ko first time kong ikiss si Mama nung Bacc Mass ko tapos si Papa etong New Year lang. Ni hindi pa nga kame nagbobonding eh, pero nung bata pa kame madalas kame pumunta sa Zoo nun namimiss ko na yun, namimiss ko na din yung magsisimba kameng lahat. Pag may problema ako hindi sila ang una kong nilalapitan yung mga kaibigan ko, ni hindi pa nga ata ako nakapagsabe ng problema sa kanila eh, kung malalaman man nila na merun hindi sila yung una. Yan kame sa pamilya ko. 

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pamilya ko. Hindi kame pinalaki na malapit sa kanila. Parang pinalaki lang nila kame tapos pinagaral tapos yun na. Walang communication. Sobrang mahalaga na may communication ang mga tao kasi kung wala to, walang kwenta ang mabuhay. Kaya mu bang mabuhay ng magisa lang? Hindi naman diba? Kelangan mu ng kasama. At alam ko na tanging pamilya ko lang ang pede ko makasama kahit alam ko magkakahiwalay din kame balang araw. Kung tutuusin ayaw ko magkaroon ng sariling pamilya ko, gusto sila nalang kasi gusto ko mangyari samen yung pinapangarap kong pamilya. 

Sa totoo lang, galit ako kila Mama at Papa. Sobrang galit ako sa kanila. Ilang beses ko na nilabanan ang sarili ko na di dapat ako magtanim ng ganitong galit. Minsan nga nasasabe ko sa sarili ko na diko sila gagayahin. Hinding hindi. Matagal ko ng naisip kung bakit kaya ganito kame, at ngayon alam ko na. Naisip ko kung paano nila kame pinalaki. Pinalaki nila kame na nasa tabi namen pero parang walang pagmamahal. Alam ko masyadong masakit tong sinasabe ko. Pero yun yung nakikita ko at nararamdaman ko.

At alam mu ba kung ano yung pinakapangarap ko sa pamilya ko? Ang magkaroo ng "Family Picture". :( Sana balang araw magkaroon kame ng ganun. Soon. Madami pang oras. At sana mawala na yung galit na nararamdaman ko. Ayaw ko dalhin to panghabangbuhay. 

Lord, touch my heart. 

I WANT.


Deathly Hollow Necklace

OMG. Gusto ko neto! Shit. Naiyak ako nung nakita ko to. Hahaha. E kasi naman miss ko na si Harry Potter, miss ko na din yung upuan ko sa Hogwarts. :P Hahaha. Gustong gusto ko yung mga stuff about HP. I really want this! Swear. Haaayyy.

Merun na akong baller ng Death Eater e, kasi nasa friend ko. Tsk. Wala na atang balak ibalik yun. Di pede. Kahit anong mangyaro kelangan ko makuha yun. Limited edition lang kasi yun eh. Wala na stock nun. Kaya di talaga pedeng mapunta sa kamay ng iba yun. Kung diko man makuha, SINUSUMPA KO NA KUNG SINO MAN MAY SUOT NUN MAGKAKAGALIS. Promise. >:D Kilala mu na kung sino ka. Kaya sana ibalik mu na yun. :)


MY Death Eater baller. 

May isa pa akong gustong gusto makuha. Kaso sa ibang bansa sya nabibili. :( Sinabihan ko na yung cousin ko na nasa New York, and she told me na she'll try kasi nagiipon din sya ng pambili ng gift for her boyfriend e. Saka mura lang naman yung necklace ang mahal lang is yung shipping fee. Kaya I will wait nalang till June kasi uuwi sya dito samen at pede na nyang dalhin yung necklace na yun. Hahahaha. Geezzz. Sana talaga mabilhan nya ako nun.


Golden Snitch Necklace. :)

Ayan yun. Grabe. Tuwang tuwa ako nung nakita ko yan. Hahahaha. Sana talaga makuha ko lahat ng yan, especially my first ever Death Eater baller. Bring it back boy!!!!! >:D Hahaha.

That's it. Haha. 


Wednesday, February 1, 2012

Pebrero. Pag-ibig.

Pebrero. Buwan ng mga puso.

Sikat na naman yung mga taong may girlfriend at boyfriend. Kasi pagsinasabeng Pebrero yung mga magkasintahan agad ang naiisip naten. Aminin? Pero di lang naman para sa kanila yun e, para yun sa lahat. Sa pamilya, kaibigan, kapitbahay, pede din sa kapaligiran, at higit sa lahat sa Panginoon. J
Pero iba pa din yung may isang taong special sayo. Yung feeling na lage kang kinikilig kahit wala naman syang ginagawa. Yung feeling na gusto mu sya lage nakikita. Yung feeling na naiinis ka kasi namimiss mu sya. Yung feeling na kahit antok na antok ka padin pero nilalaban mu yung antok para lang makatext mu sya. Yung feeling na paggising mu palang sa umaga sya agad na iisip mu. At yung feeling na ramdam na ramdam mu na mahal ka talaga nya. Yun yun eh.

Pero sa dalawang nagmama
halan di mawawala yung tampuhan at away. Minsan dun nila napapatunayan kung sila nga ba para sa isa’t isa. Dun din nila napapatibay ang kanilang samahan. Dun din nila napagaaralan kung paano magpakumbaba, kung paano maging pasensyoso/a. Sa isang relasyon kahit gaano pa kayo magkabaliktad ng personalidad may isang taong magpapakumbaba at handing habaan ang pasensya para sa kanilang minamahal. Pero hindi ibig sabihin nun na isa lang ang magsasakripisyo, sa isang relasyon may nagiisang rule: GIVE AND TAKE. Maling mali yung ikaw lage ang take ng take, kelangan mu din mag give kung gusto mung maging mas matagal at puno ng pagmamahalan ang relasyon. Tama naman diba?

Masarap at masakit ang magmahal. Di yan bastos. J Kung hindi ka nagmamahal hindi ka masasaktan. Tandaan: Ang masaktan ay kasama pag tayo ay nagmamahal. Okay lang na masaktan basta worth it ito.

"Masarap pag mahal ka ng taong mahal mu, pero mas masarap kung marunong ka magmahal."