Wednesday, February 23, 2011

READ.

Naranasan mu na ba ung busy ka sa isang bagay tapos biglang bumigat ung pakiramdam mu. Parang gusto mung umiyak ng umiyak. Ako kasi naranasan ko na un. Sobrang diko alam ung gagawin ko nun at kung anu ung tamang isipin sa mga oras na un. Parang gusto ko magbreakdown nalang, kung wala lang ako sa OJT nun siguro iyak ako ng iyak nun. Ewan ko kung baken ko biglang naramdaman un. Sabe nga ni Piluur depressed daw ako. I think so. Dami ko kasing iniisip eh. Pero I'm praying for that. Makakaovercome din ako. :)

May isa akong friend na nakainitan ko sa text. You know who you are, sana mabasa mu to! :) Hahaha. "Pinagtitripan ko sya pag nageemo sya. Masaya ako pagnakikita ko syang emo at depress(ang sama ko). Iniimbose ko na emo sya at depress. Wahaha." -wrong sent lang to pero ako ung tinutukoy. Sa una diko alam kung anu dapat maging reaction ko kung matatawa or maiinis. Pero mas nangibabaw ung NASAKTAN AKO. Oo, sobrang nasaktan ako eh. Baket? In the first place close friend ko sya, di kasi pumasok sa isip ko na ikakatuwa nya pala ung ganung pangyayare. May pinagsamahan kame, dami nameng bonding moments tas ganun ung malalaman mu. Sabe ko nga sa kanya nun sa mga sinasabe nya diko alam kung anu ung joke dun or totoo, kasi sobrang unpredictable nya talaga. Kaya everytime na may sasabihin sya pinagiisipan ko pa ng matagal kung joke ba yun or what. Second thing is sabe nya saken tanggap na nya ako at kung anu ang di ako. Diko pa nga binubura ung text nya eh. Tanggap na daw nya ung pageemo ko. Kaya pala nya tanggap kasi dun sya masaya. Kaya pala suportado sya saken kasi naaaliw sya pagnakikita nga akong ganun. Alam ko hindi to ang gusto mung sabihin saken pero dahil sa text na un eto lahat ng naisip ko. I'm so sorry. Tao lang ako, diko kayang pigilan ang isip ko na wag tong isipin dahil un ung naramdaman ko eh. Ikaw sa tingin mu anung mararamdaman mu pag isa sa mga close mu ang nawrong sent sayo at ikaw ang tinutukoy. Di ka kaya masasaktan? Remember sinend ko ulet un sayo ang sabe mu lang wrong sent pero di ka nagexplain kung baket mu nasabe ung ganun. Wala. Hinayaan mung magisip ako ng kung anu anu. Tas alam mu pa ung kagaguhan na ginawa ko? Paulet ulet kong binabasa at hinahanap ung salitang "joke" para diko dibdibin masyado un. Pero wala eh, kung diko pa giniem un di mu pa malalaman na nasaktan ako. Pero alam mu ung mas lalo ako nainis dun di ka na nga nagsorry parang ginawa mung joke ung feelings ko. Alam mu na ngang nakasakit ka pero pinagtawanan mu lang. Sabe ko nga sa sarili ko nun nagkamali ata ako ng pagkakakilala sayo. Ewan ko. Pero sa ngaun di na ako galit sayo, wala akong BITTERNESS sayo. Lahat ng pain na merun ako that time binaon ko na sa lupa. Kinalimutan ko na. :) Promise.

Pero eto ang nakakatawa. HAHAHA. Sobra. Natatamaan ka pala sa mga GM's ko at inaakala mung para sayong lahat un. Sobrang natawa talaga ako nun. Assuming ka. Alam mu un? Di lang ikaw kilala ko sa mundo at di lang sayo umiikot mundo ko. Tandaan mu yan. Siguro naman satisfied kana sa mga explanations ko sayo nun. Sana naman. Nagtaka nga ako sa sarili ko kung bat ko pa kailangan iexplain ng lahat ng un eh. Sabe ko baka isipin nun na defensive ako, at tama ako! Un nga ang iniisip mu. HAHAHA. Kaya nga nasabe ko nalang na bahala ka freedom mu naman yan eh, isipin mu na lahat ng gusto mung isipin. Di ko naman kasi kaya kang diktahan kung anung dapat isipin at hindi diba? So bahala ka na talaga kung anu iisipin mu. HAHAHA. :) 

Merun pang isa, sabe mu alam mung may atraso ka saken pero ang tanung nagsorry ka? Mababaw lang akong tao kaya imposibleng di kita mapatawad. Ang tanung are you willing to say sorry? Pero I think it's too late kahit papanu may pride din ako. Tao lang ako diba? HAHA. Sabe mu pa kung may problema ako sayo sabihin ko wag akong duwag. Kilala mu ako pag may problema ako sa isang tao iniiwasan ko, or kaya naglalaylo ako sa G1 pero ginawa ko ba? Iniwasan ba kita? Di naman diba? Alam mu sa nangyayare ngaun tinatanung ko sarili ko tinuring mu ba akong kaibigan or pinakisamahan mu lang ako. Kasi ang laki ng pagkakaiba ng dalawa na yan eh. Pero okayl lang saken kahit anu sa dalawang un basta ako KAIBIGAN KITA. Tapos. 

Alam ko na nagbago na ung friendship naten pero eto lang masasabe ko sayo kahit kelan diko kakalimutan ung mga samahan naten at kahit tingnan mu pa ang kaibuturan ng puso ko umaasa padin ako na magagawa ulet naten ung mga bonding moments naten. Sa totoo lang namimiss na talaga kita. Wag kang mailang saken kasi ako di ako naiilang sayo. Pinipilit ko padin na maging normal ang lahat. Kaya you can approach me anytime. :)

PS: di na kita padadaanan ng GM ko para dika magisip ng kung anu anu. HAHAHA. 

Goodluck. :)


No comments:

Post a Comment