Thursday, November 25, 2010

AM I USELESS?

Naaawa na ako sa Papa ko, ang dami na nyang hirap para lang mapagtapos ako. Eto naman si ako pasaway, sabing tumigil na sa sayaw hala sige sa paghataw. Ang hirap naman kasing iwanan ang pagsasayaw lalo na't maraming kang kaibigan? Jusko! Kaya ang dami dami ko ng nagagawang kasalanan kay Papa. Every December  kasi natatapos ung project nya so it means gipit na naman kame ako naman walang paki kahit nahihirapan na sila. Sige sa paggastos, pagkupit, paghingi. Tas syempre tumatanda ung tao, mejo may sumasama na ung pakiramdam ni Papa kaya natatakot ako. Naiisip ko nga kanina wag nalang ako magreview, magwork nalang agad ako para naman matulungan ko si Papa. Ako naman ung magtrabaho para sa kanila, naaawa na talaga ako sa kanila e. Hayy. Ang baet ko kasing anak e noh! Sana makagraduate na ako, maghahanap talaga ako agad ng work. Time ko naman na siguro para ako naman ung maghirap at pagsilbihan sila. Masyado na akong malaking pabigat. Yaan mu Pa! Ma! Malapit na po. Ako na po bahala sa dalawang lalaki. Magtiwala lang po kayo sakin. Mahal na mahal ko po kayo. Diko man masabi ng personal, diko man maparamdam alam ni God kung gaano kayo kaimportante at kung gaano ko kayo kamahal kahit ganto ako sa inyo. I love you ma pa! :))

No comments:

Post a Comment