Ilang araw na ikaw lang katext ko, almost one week na. Naaamaze lang ako kasi diko ineexpect na ikaw makakatext ko? Kasi simula nung nagkakila tayo never kong kinuha number mu, kahit din ikaw never mung kinuha number ko. Kaya diko kinukuha kasi.... Ewan ko din, basta never ko kinuha number mu. Haha. Basta, kelan ba tayo nagkakilala? 2010. December ata yun, dahil sa sinalihan kong activities. :) Diko feel yung katulad mu kasi alam kong mayabang ka, mahangin, at suplado. Pero nagkamali ako sa suplado, mabaet ka pala pero kahit ganun diko padin ineexpect yung nangyayari ngayon. Matagal tagal din tayong nagkasama dahil sa isang event na parehas nateng sinalihan, then ayun MEJO naging close tayo. Masaya naman. Naging friends tayo. Gang sa matapos yung event na yun. Pero di naman natapos yung friendship naten. May girlfriend ka at di kita type. Haha. Gandang babae! JOKE.
Mahabang panahon yung lumipas, madaming nangyare sa buhay buhay naten. Balitaan lang sa facebook. Pero diko padin alam number at di padin kita gusto. HAHAHA. >:D then suddenly, dumating yung time na nagkita ulet tayo, di lang tayo lahat ng kasama naten sa event na yun, REUNION. :) Saya. Nagbullihan agad tayo, dun sya magaling e, pero shempre di ako papatalo. Inaasar ko sya. Unang kita ko palang inasar ko na sya. HAHA. Talo sya. Pero may sinabe sya na nagcapture ng attention ko, never kasi nya ako sinabihan ng ganun e. NEVER. Di manggaling sa kanya yung mga salitang yun. Mahangin at mapanglait yun e. " Gumaganda ka Steph", shempre ako di naniwala. Never. Sa kanya nanggaling, for sure may halong panggagao yun. Haha. Pero di sya tumigil, gang sa pinuntahan nameng bahay sinasabe nya yun, kahit sa iba pa namen na kasama. ANG KULIT. Pero natutuwa ako. Haha. Gang sa inaasar ko na naman sya. Gang sa naginuman na kame, nagaagawan sa higaan, sya kasi tanggero e, madali syang malasing tapos ako mejo hilo pero unti lang ininum ko kaya ayun humiga na ako. Tapos tumayo ako para magcr at ayun sya naman pumalit sa pwesto ko, sa lapag nalang ako humiga malapit sa kanya then ako na naman ang nakahiga sa sofa. :) LABO. Basta.
Dami nangyare. Uwian na. Nauna na ako sa kanila kasi hinahanap na ako ng Mama ko e. Then, sunday, Monday. I received a text from unknown number, inaaya ako magjogging. "Sino to" "M to". SHOCK. Kinuha nya number ko para magaya ng jogging? Dun nagstart yung pagiging textmate namen. Diko ineexpect na rereplayan nya pa ako ng rereplayan, at everytime na magrereply ako na pang end ng conversation namen he always make a new topic. At never nawala samen ang asaran, gang sa sya nalang lage nakakatext ko. He greet me every morning, he always say good night. Gang sa dumating yung time na nagjogging na kame, he expected na kame lang dalawa, e diko kaya kaya nagaya ako ng kasama. HAHAHA. And we have a deal, on our first jogging he'd treat me, then on the next I will treat him. :) O diba? May ganun pa? TEXT. TEXT. TEXT. ASAR. ASAR. ASAR. KULIT. KULIT. KULIT. Then one time napagtripan ko sya, may swimming kasi kame sa Nov. 19, he always tell me na sumama ako, of course sasama ako! Haha. Sinabe ko na di na ako sasama kasi that time he teased me. >:) sabe ko di na ako sasama, galit galitan ako sa kanya. Then may sinabe sya na sobrang, mejo lang pala na kinilig ako. :""> "sabe ko naman sayo na ginagawa ko lang yun para manlambing e, sorry. :(" OMG! May sad face!!! Haha. First time. Haha. Ewan. It's a big deal for me, kasi kilala ko ting tao na to e, sabe ko nga diba diko ineexpect na magkakatext kame. HAHAHA. Gang sa sinabe ko na na trip lang yun, then ayun asaran ulet. Hahaha. MERUN PA! "ang cute mu naman magtampo parang bata". :"> Diko alam kung dapat bang kiligin ako sa sinabe nya, pero I did. :""> Tapos lage nya akong sinasabihan na "bata" "pikunin" "teph". WEH. Kinikilig kaya ako. Haha. Pero shempre di naman ibig sabihin nun nagkakagusto na ako, onti palang. :"> <3 WAHAHAHA. Joke. Oo, onti lang talaga. Promise. :P
Ang kinatutuwa ko pa sa kanya kapag busy sya sige padin sya sa pagtext saken. Ex. nagtotongits, nagswimming with friends, nagggym, nanunuod ng sine, nasa work, kumakaen, kahit lage ko syang sinasabihan na mamaya nalang sya magtext tapos ang sasabihin nya multi-tasker daw sya. O diba? Wala lang. K. ako na nagbibigay ng meaning, e bakit ba dictionary ako e. Haha. Marunong kasi ako magappreciate ng maliliit na effort e. Haha.
WALA LANG. HAHAHA. BASTA MASAYA AKO! :)
No comments:
Post a Comment