Good morning. :) Bigla nalang nag pop out sa utak ko na magpost about sa friends. Hehe. Kaya yan ang aking titulo. :)
Gusto ko talaga maraming friends, kasi MAS masaya pag madami kang friends. :) Kasi kahit saan ka magpunta marami kang makakasama. Tulad ko, nung first year first sem ako lahat ng blockmates ko kaclose except yung sa mga mayayabang na lalaki. JOKE. Wala naman e, lahat kasi sila nakasama ko, nakausap ko, at nakakulitan ko kaya lahat FRIENDS ko. =)) Then, nung second sem na, kinakabahan ako kasi malaki ang possibilities na magkahiwalay hiwalay kame, yun yung pinakatatakutan ko. Naisip ko nun paano na ako pag wala sila, diko alam kung paano ulet ako makikisama sa mga new blockmates ko. Ang malas ko nga nun e, kasi ako B2, sila B3. :( May mga kasama naman ako kaso puro matatahimik. HAHAHA. Paano na ang buhay ko? Joke. Pero shempre di naman pede na mag emo ako nun. Haha. Naging close ko naman halos lahat pero di tulad nung sa A2 blockmates ko, mas kumportable ako pag sila ang kasama ko. Pero narealized ko na di lang pala ako magstick to one sa kanila dapat kelangan pala wag ako maglagay ng wall sa ibang tao para maging kaibigan ko. Haha. Dun nagsimula ang pagdami ng friends ko. :) Magugulat nalang sila Patricia sa hallway na may tatawag saken, bebeso, yayakap tapos sasabihin nila saken "Sino yun?" "Friend ko" "WOW! Sikat kana talaga, wala pang 5minutes sampong tao na yung tumawag sayo". HAHAHA. O diba? Kahit saan ako magpunta may nakakakilala saken. Mas lalong dumami nung sumali ako sa Groove One. =)) Ayun, kahit sino nalang yung kinakausap ko, magugulat nalang sila na may kabiruan na ako.
Ang diko makakalimutan yung enrollment, iniwan ako ni Pat at Reyan sa kuhaan ng CC, sobrang tagal nila nun, wala akong kasama tapos nung bumalik na sila siguro after 30 minutes nadatnan nila akong may kausap at katawanan na. HAHA. Tapos ayun nagpaalam na ako sa new friend ko, sabay pa silang nagsabe "Sino yun?" "Friend ko", "Ano name?" "Diko alam. Haha" "Ikaw na talaga! Haha. Katawanan mu tapos di mu kilala" "E wala ako makausap kanina ang tagal niyo kasi e". Natawa nalang sila nun. O diba? Ang galing noh? Masarap pag marami kang kaibigan, di dahil lage sila nandyan, natutulungan sa ibat'ibang bagay, kundi dahil mas makikilala mu yung sarili mu dahil ibang tao na naman ang kasalamuha mu. Dun ko kasi mas nakikilala yung sarili ko, sa mga kaibigan ko. Kaya super thankful ako sa kanila dahil mas hinubog nila yung pagkatao ko.
Sa mga mahal kong kaibigan salamat sa inyo at binigyan niyo ako ng part sa buhay niyo kahit minsan naiinis kayo saken. Sorry. Hehe. I'm trying my best para mapasaya kayo. Sana wag kayo magsawa na pakisamahan ako, sorry sa ugali ko na nakakainis. Hehe. Di na mauulet. :) Love fans, este friends pala. HAHAHA. =)))
Osya, wala naman napuntahan to. Nawala lahat ng mga naiisip ko. HAHAHA.
No comments:
Post a Comment