Friday, August 12, 2011

Big Sister. :D

"tnx sa add...want to get u more deeper kac im from iloilo po at co incidence naman po na kapangalan ni mama u ang taong matagal ko na pong hinahanap almost 29 years na po at lahat ng description ng taong hinahanap q is tugma kay mama u. Pasensya na po if controversial masyado ang pinagsasabi ko. sa ngayon may mga bagay na mahirap e explain sau. pakitanong na lng po kay mama u if may kilala syang JESSIE ARGUELLES aka as boy. tnx po... godbless..if may katanungan po kau pwede nyo po akong tawagan sa 09078165721 
at 09202712534."


Nung nabasa ko yung message na toh sobrang nacurious ako. Tinanung ko agad sino toh? Di sya nawala sa isip ko. Then one night tinanung ko si Mama kung kilala nya si Jessie Arguelles, iniisp nya kung sino yun. Tapos ako sobrang kinukulit ko sya kung kilala ba nya then I mentioned name of Kathy. Dun ako nagtaka dahil alam nya yung full name ni Kathy Grace. Dun ako kinabahan then I asked her again kung sino ba yun. Pero di nya sinasagot yung tanong ko, hanggang sa hinayaan ko nalang pero di padin ako mapakali kung sino yun. Gang sakinabukasan yun yung bungad na pambati ko kay Mama, "Sino ba yun?", "Anak ko sya sa una, alam ni Papa at ni Tito mu yun". After she said that my heart stop beating. Yeah. Diko alam kung ano dapat maramdaman ko nun. Bigla ko nalang sya nabato ng damit na hawak ko, then I cried. :'( Nung nakita nya yung naging reaction ko bigla nyang binawi yung sinabe nya pero kahit binawi nya yun alam kong totoo yung sinabe nya. Kilala ko si Mama kung kelan sya nagbibiro at nagsasabi ng totoo. Hindi nawala sa isip ko yun, tanong ko agad sa sarili ko "Bakit? "Paano? Kelan? Bakit ngayon lang sinabe?" I decided na itext yung Kathy na yun hanggang sa naconfirm kong totoo pala lahat talaga yung sinabe ni Mama. 

Nakausap ko sya sa fone, I cried a lot kasi sinabe nya lahat ng pinagdaanan nya. Nawala yung unang galit na naramdaman ko sa kanya kasi may nanaig saken yung awa dahil lumaki sya ng walang Mama at Papa. Inisip ko agad paano kung ako yun? Makakayanan ko kaya? Magagawa ko kaya yung mga nagagawa ko ngayon? Parehas kaming umiiyak panay ang sorry ko sa kanya.  At sobrang umiyak ako nung sinabe nyang "Pakisabe kay Mama na mahal ko sya at di ako galit sa kanya kahit iniwan nya ako, gusto ko lang sya makausap o makita kahit di nya ako iacknowledge na anak nya ako". Sobrang ramdam ko yung pangungulila nya sa isang ina. :( After namen nagkausap sobrang naenlighten ako sa buhay ko. 

Nung araw na nagkausap kame nadecide ako sabihin kay Mama na nakausap ko na anak nya. Diko alam kung paano pero nilakasan ko ang loob ko. Pero nung sinabe ko kay Mama yun parang wala lang sa kanya. Ewan. May mali sa reaction nya. Parang sinasabe nyang "O ano naman?". Ako yung nasaktan para sa Ate ko. Ewan. Nasabihan ko si Mama ng "Ang sama ng ugali mu? Ano mu ba sya? Tapos tatanungin mu ako kung bakit ka nya hinahanap?" Diko pinakita kay Mama na umiyak ako. Tinawagan ko si Ate para makausap nya, at ayun maganda naman ang naging resulta. 

Naging close na kame ng bago kong Ate. Yung mga diko nasasabe sa iba sa kanya ko sinasabe. :) It's a blessing to have her. Kahit di pa kame nagkikita sobrang gaan na loob ko sa kanya. Thankful ako at nagkilala kame. Thank you Lord. :))

No comments:

Post a Comment