This is the reason kung bakit ayaw ko magstay sa bahay. Every Sunday nalang ganito, sigawan, bangayan. Amp. Di naba pedeng katahimikan? Haay. Ewan ko ba sa kanila. Kaya di nila ako masisisi kung bakit gusto ko laging wala sa bahay. Ang gulo gulo nalang palagi dito sa bahay. Tapos lahat madadamay. Amp. Ikaw tong nananahimik ikaw tong mapagbubugtungan. Haay. Minsan naiisip para kaming hindi pamilya. Haha. Promise! Di nga kame ganun kaclose di tulad ng mga kakilala ko na sobrang close sa family nila e. Dito sa loob ng bahay namen yung mga tao "moody". Minsan okay (pero bihira lang talaga yun), madalas puro away. Tsk. Kaya minsan naiinggit ako sa iba e. Gusto ko kasi maranasan yung family na maayos, yung close mu lahat. Yung tipong lahat ng mga di mu masabi sa mga friends mu sa kanila ka tatakbo, yung tipong may problema ka tapos sila yung unang makakapansin, yung tipong iiyak ka sa balikat nila tapos yayakapin ka. Kelan kaya mangyayari yun?
Diko pa nga nasasabihan ng "I love you" sila Mama at Papa e. Never pa. At diko alam kung kelan ko masasabi yun sa kanila. Ayaw ko magsisi na pag wala na sila diko man lang masabi pero ang hirap kasi ng situation ko e, di kame pinalaki na ganun. Kaya pag nagkafamily lang talaga ako, diko gagayahin kung anong merun kaming communication sa family namen. Pero diko pinagsisisihan na napunta ako dito siguro kulang lang talaga. Subagay "Nobody's perfect", magpasalamat nalang ako dahil binigyan ako, at sa kinalalagyan ko ngayon madami akong natutunan na pede kong madala sa pagtanda ko. :)
Haha. Ang dami kong reklamo noh? Pero napakapasaway ko na anak. Hihihi. :P Sorry naman. Diko pa alam plano ko sa buhay. Soul searching pa ako ngayon e. Haha. Ewan ko ba sa buhay ko. Pinagpipray ko na nga lang e. Kasi diko naman mahahanap kung anong gusto ko kung di ako magaask kay God diba? Kayo na po bahala sakin kung anong plano niyo sakin. :)) Thank you.
No comments:
Post a Comment