Ano ba yan! Di pa sumisikat ang araw nnagtatalo na agad sila. Amp. Tapos may maririnig ka na di maganda. Ano sa tingin mu ang mararamdaman mu kapag ikinukumpara ka sa taong di alam mung wala kang laban. Ang sakit diba? Nung narinig ko yung parang gusto kong sumigaw ng "Sige! Sya na! Bat di nalang kayo magpakuha sa kanya! Tutal naman gustong gusto mu yun e". Ang sakit kasi sa magulang ko pa narinig yung pagkukumpara saken. Okay lang na ibang tao e, kasi di naman nila ako kilala e. Pero sariling magulang? Shet. Ano ba yan! Tapos eto pa, pumunta yung Tita ko samen nagsumbong si Mama na hindi pa ako magtatake ng Board, as usual pinagsabihan ako. Bigla nalang ako umalis kasi tumulo yung luha ko. T_T Gustong gusto ko silang sigawan kanina! Galit na galit na ako sa kanila. Diba nila ako maintidihan? Oo, kasalanan ko kasi diko sinabe sa kanila na di ako makakapagexam dahil may naiwan ko at diko din sinabi na di na ako pumapasok ng Review. Pero kahit wala akong naiwan o kahit pumasok pa ako araw araw ng Review balak ko na talaga mag second review. Una palang sinabihan ko na sila na ganun yung balak ko, pero bakit nila pinagpipilitan yung sa kanila? Diba naba ako pedeng magdesisyon? Sila nalang ba magdidikta saken kung ano dapat gawin? Matanda na ako, alam ko na ang tama at mali. At kung sakaling magkakamali man ako diko sila idadamay, responsibility ko na panindigan yung ginawa kong decision.
Haaay. Bahala sila basta ako itutuloy ko yung gusto ko hindi yung gusto nila. Alam ko naman na gusto lang nila na mapabuti ako pero di lahat ng oras ay sila yung tama may mga desisyon na minsan di nakakabuti saken. :| Tama naman ako diba? Ayaw ko na! Sobrang sikip na naman ng dibdib ko. :\