Monday, January 23, 2012

Saturday: Meet My Relatives.

Last Saturday dumating yung kapatid ni Mama from States, si Tita Leah. Pinapunta kame sa bahay ng Tito Eddie ko sa may Feria to meet them. Pagdating namen, puro Estranero ang nandun! Gaahd. First time ko mameet lahat ng kapatid ni Mama. HAHAHA. Hang cute nila tingnan kasi magkakamuka silang lahat, tapos si Mama lang yung pinakamaliit. Hahaha. Ayun, kamustahan, kwentuhan. Nakakatuwa kasi nakuha ko pala yung height ng mga Estranero. Wala lang. =) Nandun si Tita Baby, Tita Leah, Tito Gerry, at Tito Eddie. Ang alam ko pito sila e, si Tita Sheila wala na, tapos si Tita Jane nasa ibang bansa. Ang sarap lang sa feeling na makita lahat ng kamaganak mu. Mas lalo mu pang nakikilala yung mga relatives ko.

Tapos nagkwentuhan sila about sa dati nilang buhay. Haha. Napag alamanan ko na yung Lolo pala namen is a Spaniards. OO. Estranero means Estranghero. Kaya pala yun yung asar saken nung HS ko. Kastila daw kame. Haha. Tapos yung pamilya pala ni Mama is mayaman pala. :O Gulat ako. May mana si Mama sa Iloilo na lupa pero dahil nga sa naglayas sya nun di na nya naasikaso bale pinaghatian ng mga kapatid nya. Hahahaha. Kawawa naman si Mama. XD Tapos yung Lolo at Lola ko mga sugarol at lasenggero. Gusto mu yun? Hahah. Pero walang nagmana sa kanilang lahat. Mahjong ang paboritong laro ni Lola. Tapos si Lolo yung lasenggero. Haha. Basta. Ang dami nilang kwento na nakakatuwa. Hahaha. Tapos si Mama pala yung pinaka masipag sa kanilang lahat. HAHAHA. Alam ko na yun! 

Ang sarap makilala lahat ng relatives ko, ang daming kwento. Grabe. Gusto ko sila makasama! Yung mga pinsan ko, mga Tito at Tita ko. Gusto ko din mameet sila Lolo at Lola. Pero ang alam ko wala na si Lolo. Sana mameet ko si Lola. Gusto ko mafeel yung magkaroon ng Lola. :( Ang dami kong namiss. Since birth kasi dito na ako sa Manila tumira, dipa nakauwe ng province. Yun ang isa sa mga pinaka pangarap ko ang umuwe ng Iloilo to meet my relatives. Nakakalungkot lang kasi walang balak umuwe si Mama. Haay. Tapos sa side naman ni Papa, ni isa wala pa ako namemeet. OO. Kalungkot kaya. Wala na din syang balak maghanap sa mga kapatid nya. Minsan nga naiinis ako kay Papa e. Basta. Di naman sa masama sya, pero parang ganun na nga. EWAN. :( HAHAHA. Emo? (//_-)


Ayun, basta pangarap ko lahat mameet at makasama yung mga relatives ko.


Yun lang! =))

No comments:

Post a Comment