Anu tong naririnig ko na last dance mu na daw? Baket? Nagtanung agad ako sa mga taong posibleng alam king baket. Sabe nila wala ka na daw kasi makakasama kasi aalis na sila, at super nahihiya ka padi daw. Sabe nila babalik ka na daw sa dati mung kagroup. Sabe nila naiimpluwensyahan ka daw ng dati namen kasama, kesa mahirap daw talaga kame pakisamahan.
Walang makakasama? Baket ikaw nalang ba maiiwan sa Groove One, ikaw nalang ba member? Anu tawag mu samen palamuti? Di ka magiisa noh, kasama mu kame members din kame. Ang dame dame naten tas sasabihin mu wala kang kasama and as a dancer dapat wala ka ng hiya hiya factor. Anu kaya un sumasayaw ka sa madaming tao ng walang hiya pero sa mga kasama mu sa sayaw nahihiya ka. Panu ka nakasayaw? Siguro di ka masaya nun noh. Tsk. Hirap nun ahh.
Kung babalik ka pinatunayan mu lang ung hinala namen sayo nung una kang lumapit samen. Di na kame nagpakaplstic sayo nun sinabe na namen ung totoo namen na nararamdaman sayo pero sabe di mu gagawin un at di mu intensyon un. Sabe mu ikaw kusang umalis nun dahil may problem ka sa kanila, at naniwala naman kame sayo. Pinagkatiwalaan ka agad namen, naniwala kame sa sinabe mu. Sana wag mu sirain ung binigay namen na tiwala sayo. Kasi kung mangyare man yan pagbalik mu sa kanila di namen maiiwasan magisip ng kung anu anu. Di mu kame masisisi, tandaan mu yan. Para kameng nagalaga ng isang traydor sa grupo para lang siraan kame or what. I'm so sorry, pero nagpapakatotoo lang ako. Yan talaga ang naiisip ko ngaun. It's not my intension to offend you or to hurt you. Sorry.
Naimpluwensyahan? Well, ganun talaga ang buhay. May mga bagay na malakas makapaginfluence saten pero depende padin naman yan sa tao kung mas pipiliin mu na ung ibang tao ang magdikta sa buhay mu. Di namn masama un pero sana may limitations. Kasi kung hahayaan mu lang na maimpluwensyahan ka di mu makikita at maririnig ang totoong nangyayare sa paligid mu. So you better keep your eyes and ears to the other side. Saka siguro naman alam mu ung issue na merun sa mga taong nagsasabe sayo ng kung anu anu so dapat naiisip mu baka sinisiraan lang kame neto dahil sa issue nila dati. Yeah, past is past pero di mu maiiwasan na mabalikan ang dati at alam kong merun padin na unting bitterness kahit sinasabe naten na ayos na.
Alam ung nararamdaman ko ngaun? Nasasaktan ako ngaun. Super importante kasi saken ang Groove One, super pinagkaingatan namen yan. Alam mu ba ung hirap namen para lang mapatagal yan. Diko naman sinasabe na ikaw ang sisira pero may possibility eh, kasi nakapasok ka samen alam mu na ung mga baho at weaknesses namen. So alam mu na ung mga technique kung panu kame mapapabagsak. Sorry talaga, tao lang ako. Diko naman gusto magisip ng ganito eh, pero kaw tong nagbigay ng dahilan kung baket ko at namen naiisip ung mga ganito. Ikaw tong lumapit samen, di ka namen pinilit diba? Tinanggap ka namen pinagkatiwalaan. Tas ganito ganito nalang ung maririnig ko? WTF!? Naiinis ako.
Alam mu bang natatakot kame ngaun kasi aalis na kame. Panu na sila? Anu na mangyayare sa kanila? Ngaun pa nga lang diba ung treat saten ng school, siguro naman nakikita mu un. Ikaw na nagsabe na sana magkaroon ng SC na walang kinikilingan. Panu pa kaya pag wala na ung mga taong magtatanggol sa kanila. Kaya ngaun, sinasabe ko sa sarili ko di pedeng mawala nalang lahat ng pinaghirapan namen. Tama si Eyem Groove One is worth dying for. Di ako papayag talaga na iitsupwera lang kame. No, I won't let them!
Alam mu kung may problem ka sa dati mung group at may problem ka din ngaun samen sinasabe ko na ngaun palang ikaw tong mahirap pakisamahan. Di kame, di sila. Kasi ikaw lang naman tong may problema eh, sabe ko nga sayo madali lang kame iapproach pero kung hahayain mu na lamunin ka ng hiya mu talo ka talaga. Face your fears. Sabe mu yan ang weakness mu so you better do something para mawala yan. And I think kelangan mu ng maraming tao sa paligid mu para mawala yan.
Goodluck sa decision mu. It's your choice. Pero sana kausapin mu muna kame. Un lang. Thank you Kat. =)
No comments:
Post a Comment