Thursday, January 27, 2011

1 John:5

Yehey! Tapos na exam ko. Makakapagpahingan na din ako ng maayos. Makakatulog na din ako ng walang kinakabisado sa gabe. :) Di na ako mapupuyat para lang magbasa or gumawa ng reviewer. Ung exam namen kagabe multiple choice, true or false, saka matching type. Kung kelan ako ready sa enumeration saka walang ganun. Sayang! Haha. Pero ayos na din un para di ako masyado mahirapan. 

After nun, pumunta ako ng Sunken Garden. Pagdating ko mejo paalis na sila. HAHAHA. Tagal ko kasi e. :P Tas ayon unting stay. Tawanan. Tas uwian na. Super lamiig talaga dun. Nung pauwe na kame nun nag trike kame ni Joseph, tas pagbaba nya sumabit ung ulo nya sa may tali ng trike. Naiwan ung ulo nya. HAHAHA. Tawa ako ng tawa. :D

HAHAHA. Paguwe ko unting facebook. Dumating kasi si Papa e, pinagalitan pa nga ako e. Feeling ko plan talaga ni God un. Kasi bigla ko nalang kinuha ung Bible ko. Ohw yes! Bible mismo. Nagbabasa naman talaga ako ng Bible kaso diko alam kung san ko uumpisahan. Sabe naman ni Ate Donna samen dati nun kung magbabasa ka daw ng Bible it's okay na ndi mismo sa umpisa magbasa. So, naghanap ako. At ung napili ko ung 1 John. Sobrang natuwa ako kasi nakarelate ako sa nabasa ko. Eto ung pinakagusto ko sa nabasa ko.

 "Now this is the message we have heard from Him and declare to you: God is light, and there is absolutely no darkness in Him" 1 John:5

Sobrang natouch talaga ako. Kasi this past few days parang nasa darkness ako. I feel alone and empty. Even though na alam kong di naman ako nagiisa. God is always there for me. All he wants me to do is seek Him with all my heart and I will find him and shall receive. Nung Wednesday, nag accountability kame ni Ate Candy sa room 420. Ang sarap sa feeling na naiyak mu na lahat. Nasabe mu sa ibang tao ung true feelings mu. Ndi ako nag hesitate na sabihin sa kanya kasi I know na I can trust her. Di naman sa diko pinagkakatiwalaan ung nasa paligid ko, siguro mas comfortable ako pag sa kanya ko nasabe. Ung pagpunta ko nun sa school sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pero nung nagshare na ako sa kanya after ko maiyak lahat sarap sa feeling. Ang gaan ng pakiramdam ko. Then ayon, she told me na she's happy kasi ako mismo gumawa ng paraan para makausap sya. Matagal na kasi nya akong gusto makausap e, pero lage ko sinasabe na di pa ako ready. Until that day came. I'm so thankful na she's free that day. :)) Thank you God. You're so great. Alam kong plan mu to so I should follow you. :))

God, thank you for everything! Thank you so much. I love you.


No comments:

Post a Comment