Sunday, January 29, 2012

Post Title

Naiinis ako. Naiinis ako sa inaasal ko sayo. Naiinis ako sa sarili ko dahil kinaiinisan kita. Diko alam kung bakit. 20 days na ang nakalipas simula nung araw na yun. Dinelete kita sa facebook pati number mu. Diko alam kung bakit ko ginawa yun. Pero ang alam ko sa sarili ko nasaktan mu ako. Nasaktan mu ng di mu alam? Siguro.

Nagtext sya. Una alam kong sya yun, pangalawa diko alam kong rereplayan ko sya. Nireplayan ko. Sino ka. Nagpakilala sya. Dina ulet ako nagreply. Nagtext ulet. Bakit mu ko dinelete? Blah blah. Then sa sobrang inis ko tinetext ko sya ng "ayaw na kita makita, I don' t wanna hear your voice, I don't wanna hear your name, so stop acting like you care",  he replied "ganun ba? Sorry ah. Di lang ako sanay.". The End. I didn't text him again.

Sa totoo lang pinagsisisihan ko yung sinabe ko sa kanya. :( Bakit ko nga ba sinabe yun? Gusto ko lang ba na suyuin nya ako, na kulitin nya ulet ako. Pero di naman nya gagawin yun e. After lahat ng nabasa ko. Never nyang gagawin yun.

#ayawkonanaiiyaknako


Saturday, January 28, 2012

Weird Dream.

Okay start na agad. Tulog ako. Sarap tulog. Then pumasok na ako sa kabilang mundo, ang PANAGINIP. :)

Ang natatandaan ko nalang is yung umiiyak na ako. Kasi G1 will be leaving at pupunta sila ng China. HAHAHA. Yes, just what you read, CHINA. Kasama talaga ako kasi mas pinili kong mag stay dito sa Pinas. Tapos nung nasa airport na kame para ihatid sila biglang nagbago isip ko, gusto ko ng sumama. Hahaha. E kaso limited lang yung pede, e may isa pang slot kaso may nakareserve na dun. Iyak ako ng iyak. Sobra. As in iyak talaga. :"""""""""(((((( Tapos meron palang bumack out kaya di na ako nag atubiling tumakbo sa upuan na vacant. Ayun nakasama na ako.

Tapos nung nagising ako basa yung mata ako. As in may luha. Pero at the end natawa ako sa panaginip ko. HAHAHAHA. Ang G1 pupunta ng China? Gusto mu yun? Hahaha. Pede din. =)) 

Yun lang. :)

Monday, January 23, 2012

Sunday: Star City and Kamay Kainan

STAR CITY. 

Inaya kasi ako ng friend ko. Shempre sama na ako. Hehe. First time ko pumunta dun kaya tuwang tuwa ako nun. Hahaha. Una nameng sinakyan yung Surf Dance. Ayy grabe! The best yun! Haha. Akala mu wala lang pero nung umandar na oh! BOOM! Hahaha. Tawa ako ng tawa kasi yung kasama ko takot na takot nakaakap na sya sa kamay ko. HAHAHA. Shempre mas tuwang tuwa ako. XD Hahaha. Tapos after nun nagpunta na kame ng Star Flyer. Ayy isa pa yun! Hahaha. Hang sarap lumipad sa ere. Haha. Kaso ako lang yung sumakay e, ayaw na nya kasi nahihilo na sya. WAHAHA. Weak. Joke. Tapos ayun paikot ikot nalang kame. Unti lang yung rides e. Kaya medyo naboring ako. Haha. Pero masaya padin kasi nalibre ako lahat. Hahaha. Then dumating yung friend namen na dalawa, ayun puro pictures nalang. Hang daya nga kasi wala kame picture. :| Nahiya na kasi. Amp. Engot lang? Hahaha. Basta. Masaya ako nun. Tapos nung mga 6:00pm na nagaya na ako umuwe kasi may pupuntahan pa ako. Hahaha. 

At nagpunta na ako sa KAMAY-KAINAN.

Buffet teh! Haha. Biglaan lang din talaga yun. Another friend ko na naman ang nagaya. Okay. Boy sya. Haha. Boy din yung sa Star City. HUMAYYGAAHDDD! Pero friend ko lang yun. :P Hahaha. Ayun hang sarap ng food. Hang dami. Kaso lang mukang lugi ako kasi unti lang ako kumaen e. TSK. Pero okay lang, madami naman mapapapak e. Ayun, puro kwentuhan kame. Nakakatuwa lang kasi first time lang din namen umalis ng kame lang. Kaya nung una naiilang ako pero nung tumagal na. Haaaaallllllaaa! Para na kameng tanga. Hehe. E sabe kasi nya, bigla nya ko namiss. HALA sya o! E parang kelan lang din kame nagkita nun. Baliw. Hahaha. Tapos ayun nagaya na dina ko umuwe kasi inaantok na ako e. Tapos nashock ako nung sabe nya hatid na nya ako, shempre ako todo tanggi kasi baka makita kame ni Inay patay ako! E may dala pala syang motor kaya napapayag ako kasi pangarap ko din yung mahatid ako gamit ang motor. Hang babaw. Haha. Di ako kinikilig nakasmile lang ako nun, ilang umakap sa kanya. Haha. Tapos ayun. Hinatid na nga nya ako. HAHAHAHA. Nung papasok na ako sa iskinita samen biglang sabe nya next time daw ulet. Akala ko pa naman kiss. Chos. Hahaha. Gago. Assuming teh? Joke. Hahaha. 

Eeeehhh. Basta happy ako! Gusto mu yun? Yun lang. Hahaha. See you next time. :">

Saturday: Meet My Relatives.

Last Saturday dumating yung kapatid ni Mama from States, si Tita Leah. Pinapunta kame sa bahay ng Tito Eddie ko sa may Feria to meet them. Pagdating namen, puro Estranero ang nandun! Gaahd. First time ko mameet lahat ng kapatid ni Mama. HAHAHA. Hang cute nila tingnan kasi magkakamuka silang lahat, tapos si Mama lang yung pinakamaliit. Hahaha. Ayun, kamustahan, kwentuhan. Nakakatuwa kasi nakuha ko pala yung height ng mga Estranero. Wala lang. =) Nandun si Tita Baby, Tita Leah, Tito Gerry, at Tito Eddie. Ang alam ko pito sila e, si Tita Sheila wala na, tapos si Tita Jane nasa ibang bansa. Ang sarap lang sa feeling na makita lahat ng kamaganak mu. Mas lalo mu pang nakikilala yung mga relatives ko.

Tapos nagkwentuhan sila about sa dati nilang buhay. Haha. Napag alamanan ko na yung Lolo pala namen is a Spaniards. OO. Estranero means Estranghero. Kaya pala yun yung asar saken nung HS ko. Kastila daw kame. Haha. Tapos yung pamilya pala ni Mama is mayaman pala. :O Gulat ako. May mana si Mama sa Iloilo na lupa pero dahil nga sa naglayas sya nun di na nya naasikaso bale pinaghatian ng mga kapatid nya. Hahahaha. Kawawa naman si Mama. XD Tapos yung Lolo at Lola ko mga sugarol at lasenggero. Gusto mu yun? Hahah. Pero walang nagmana sa kanilang lahat. Mahjong ang paboritong laro ni Lola. Tapos si Lolo yung lasenggero. Haha. Basta. Ang dami nilang kwento na nakakatuwa. Hahaha. Tapos si Mama pala yung pinaka masipag sa kanilang lahat. HAHAHA. Alam ko na yun! 

Ang sarap makilala lahat ng relatives ko, ang daming kwento. Grabe. Gusto ko sila makasama! Yung mga pinsan ko, mga Tito at Tita ko. Gusto ko din mameet sila Lolo at Lola. Pero ang alam ko wala na si Lolo. Sana mameet ko si Lola. Gusto ko mafeel yung magkaroon ng Lola. :( Ang dami kong namiss. Since birth kasi dito na ako sa Manila tumira, dipa nakauwe ng province. Yun ang isa sa mga pinaka pangarap ko ang umuwe ng Iloilo to meet my relatives. Nakakalungkot lang kasi walang balak umuwe si Mama. Haay. Tapos sa side naman ni Papa, ni isa wala pa ako namemeet. OO. Kalungkot kaya. Wala na din syang balak maghanap sa mga kapatid nya. Minsan nga naiinis ako kay Papa e. Basta. Di naman sa masama sya, pero parang ganun na nga. EWAN. :( HAHAHA. Emo? (//_-)


Ayun, basta pangarap ko lahat mameet at makasama yung mga relatives ko.


Yun lang! =))

Tuesday, January 17, 2012

Same.

May naikwento kasi si Ma'am saken na yung isang kaoffice mate namen ay may ibang babae yung asawa nya. Natawa sya kasi sabe nya natural nalang daw yun sa isang lalaki. Kumbaga ibig nyang sabihin pare-parehas lang yung mga lalaki. HAHAHAH. Wala lang. Natawa lang din ako. Parehas kame ng insight ni Ma'am e. 


Bakit kasi kelangan manloko noh? Akala nila nakakatuwa. Sa una natutuwa sila, pero pag dumating kaya si Karma matutuwa pa kaya sila? Tingnan lang naten. HAHAHA. >:D

Waiting...

Since that day, diko na sya tinext. Niblock ko na din sya sa facebook ko. Pero bakit ganun? Hinihintay kong magtext sya. Magtanung. Kausapin ako. Pero imposible na yun, pagkatapos ko syang ii-stalk mas napatunayan ko na tama siguro to. Yung mawala lahat ng communications namen lahat. 

Eehh. Gusto ko talaga sya magtext. Kahit isa lang. Isa lang talaga, kahit wrong sent pa. Pero mas okay na yung wag na syang magtext at wala nadin akong balak magtext. Eeeh. Plastic! MAGTEXT KA! Hahaha. Gago ko noh? 

Bahala. na. Btw, di masyado busy sa office. Wala pa masyado gawain. Ayun lang. 

Stalking.

Masaya mang stalk pero di masaya yung mga iba mung nalalaman. Tulad ngayon, hang dami ko nalaman, ay no, hang dami ko nabasa. WELL.

Masakit lang. HAHAHAHA. #dafuq