I miss you bloggggg!!!!! Huhuhu. Ang tagal tagal ko ng hindi nakapagpost sayo. 2011 pa ata yung last ko. Sobrang dami kong kwento, kaso sa sobrang dami tinatamad na ako. Kamusta naman? HAHAHA! Ako? Eto, daming nangyari sa buhay ko. Jusko. Diko na nga matandaan yung iba sa sobrang dami e.
Pero latest?? Eto, maganda pa din. HAHAHA! Joke! Di nga, uhmmm... Daming nagbago kasi e. Diko alam kung saan magsisimula. Btw, nasa CDO na pala ako! Hahaha. Dito na ako nastuck. Saklap diba? Pero wag ka! Dami kong experience dito na maloloka ka talaga! HAHAHAHA. One year na akong nakatira dito!!! Imagine? Dati naliligaw pa ako sa Cubao, tapos hindi makagala ng magisa, di marunong magluto at maglaba. Pero tingnan mo ako ngayon, binubuhay ko ang sarili ko. I'm living alone! Malayo sa friends and family. Saklap diba? Pero I'm using to it na. Actually di ko na masyadong iniisip, pero minsan nalulungkot talaga ako kasi sobrang miss ko na yung mga taong nagpapasaya sakin araw araw. Huhuhu. Pero you know what? At some point masaya din ako dito, kasi I can prove to myself na kaya kong buhayin ang sarili ko na hindi dumedepende sa family ko. Dami kong realization sa buhay noh. Unang una sa lahat, HINDI TALAGA PINUPULOT ANG PERA! Swear. Jusko, dati wala akong pakealam kung paano kahirap kumita ng pera. Basta ang gawain ko lang nun, "ma pahingi pera" "pa bibili ako neto". HAHAHAHAHAHA! Now I know.
Tapos isa sa mga pinakanatutunan ko sa lahat, mas maging matapang at matibay araw araw. Kasi hindi mo alam kung anong mangyayari sa buhay mo, lalo na malayo ang pamilya mo na masasandalan mo. Ang hirap. Nung una, lagi ako umiiyak at gustong gusto ng umuwi pero di ganun kadali kasi naisip ko pano nalang ako mabubuhay kung takot lagi ang inuuna ko. Ilang beses na akong gumive up pero look at me now? I'm still alive and kicking. HAHAHA.
Pero sa totoo lang may ilang bagay akong pinagsisihan sa buhay ko. Yun yung bakit ko di tinapos ang nagiisang subject ko. HUHUHU! Because I want something more sa buhay ko. Gusto kong iexplore ang buong mundo, I want to live to the fullest. Sa ngayon, nagaapply ako sa abroad. Pero diko pa maasikaso yung mga requirements ko kasi need ko pa umuwi ng Manila. Pero in time, maaasikaso ko din yun. Feeling ko kasi malapit na ako makaalis dito sa CDO e. HAHAHA!
Pag umalis ako dito, for sure sobrang masasaktana ko. :( Bakit? Next time ko na ikwento pag ready na ako.
Sa ngayon eto nalang muna ang update ko. :) Till next time. ;)