Thursday, June 21, 2012

End.

Wala ng One Week Process! I end it yesterday. Ayoko na. Nagsasayang lang ako ng oras. But still, I'm hurt.

Ge, yun lang!

Wednesday, June 20, 2012

One Week Process: DAY 3

Ang gulo lang. Sabi nya problema daw ako, pero bakit sya nakipagkita saken? Ang gulo lang talaga. Tapos akala ko okay na ulit kame, pero di padin. Away na naman. Diko na talaga alam gagawin ko. Ang gulo gulo na namen. Naiinis na ako. Pilit kong iniiwasan yung mga bagay na pagaawayan namen pero eto syang gumagawa ng way para mag away kame.

After I finish this One Week Process na to, dapat alam ko na kung ano ang dapat gawin.

I have nothing to say na! Back to work na.

Monday, June 18, 2012

One Week Process: DAY 2

I feel so miserable yesterday, but still I survived. Inaantay ko talaga yung text nya, pero di sya nagtext. Natiis na naman nya ako o sadyang di nya lang ako naiisip. Pero ako tinext ko padin sya to say goodnight.

Now..

Nagdecide ako matulog ng maaga kagabi kasi feeling ko puyat na puyat ako, siguro by 8:30pm nahiga na ako, pero di agad ako nakatulog kahit nagpapatugtog na ako. Siguro around 9:30pm na ako nakatulog, pero panay ang gising ko. Natandaan ko nagising ako ng mga 10pm, then, 1am.... Hanggang sa nagising na ako ng 6am.

Sabi ni Mama, bakit daw hirap ako matulog ngayon. Napapansin nya daw kasi nakikita nya akong nagigising, may iniisip ba daw ako? Shempre sinabi ko wala. Nung natanong nya kung may iniisip ba ako, sya agad ang naisip ko. MERON. Ikaw. Simula pagtulog hanggang sa paggising ko sya agad ang naiisip ko.

Tinext ko "Good morning master. Ingat ka sa pagpasok." And I expected na no reply padin sya. Okay lang, sanay na ako pag nagaaway kame. When I came to my office, facebook agad tiningnan ko at yung status agad nya ang nakita ko.

"Kakalimutan nalang kita, kesa sa isipin pa kita, Taena ka. Dagdag problema lang kita"

FVCK. T_T

I don't know what to say, but I am sure for what I felt after I read his status, it breaks my heart.

Inisip ko agad, nagbibigay problema ba ako sa kanya? Ano? Kelan? Paano? Siguro dahil sa madalas namen pagaaway. Pero bakit? Bakit ganun nalang sa kanya kadali sabihin yun? Di man lang nya ako ipaglalaban? Di man lang nya ako kakausapin ng maayos? Ganun ganun nalang ba yun? Di fair. Ako, ginawa ko lahat for him para lang magtagal kung ano ang meron samen, pero sya parang ang dali lang.

Ako, sarili ko inaaway ko na. Kasi kahit gustong gusto na din kita kalimutan pero diko ginawa kasi alam ko napaka unfair nun sayo. Tapos ikaw ganun lang? Lalaki nga naman oh. Pero naisip ko, mas okay na siguro na nangyayari to. Kasi kilala ko sarili ko. Pag di ako nasasaktan ng lubusan di ako maggive up. Tama. Saktan mo lang ako ng saktan. Para ako na mismo ang maglelet go. Pero, I'll make sure na di ako ang nawalan.

Sunday, June 17, 2012

One Week Process: Day 1

1. Mahal ka ba nya?

-Sabi nya, mahal nya ako. Actually, sya ang unang nagsabi na mahal at gusto nya ako. Pero at first diko talaga pinaniwalaan yun, pero nung tumagal tagal napapaniwala na nya ako, hanggang sa dumating yung point na sinabi ko na mahal ko na din sya. Pero I'm not sure kung yun talaga ang nafeel ko for him.

2. Masaya ka pa ba sa kanya?

-Nung una, oo, sobrang saya. Pero lately, parang hindi na. Wala na yung kilig factor samen. Madalas na kame mag away, kahit simpleng bagay pinagaawayan na namen. Diko alam kung bakit nalang biglang ganun nangyari. Pero, nagumpisa yun simula nung nalaman ko na mahal pa din nya yung ex nya. FVCK. Dun lahat nagumpisa yun. Dun talaga.

3. Worth it pa ba yung pain?

-I don't think so. Kasi kahit sabihin nya na mahal nya ako, hindi kame. Swear. We exchange, sweet text messages, we act like a lover pero hindi kame. Walang confirmation kung kame ba o wala. Di ako nagtatanong, di rin sya nagtatanong. Kaya MU lang kame para saken, Magulong Usapan o Malanding Ugnayan.

4. What's his purpose/intention on you?

-I really don't know. I don't have an idea. Shit. Alam ko pala, ang mahirap kasi saken pinagtatanggol ko sya sa sarili ko. Kahit alam kong mali na, lagi ko nireremedyuhan. Pak.

5. Hindi kana masaya, pero bakit pinipilit mo padin? Are you desperate?

-No, I'm not. That's why I want to pursue this relationship because as I know I love him. Pero ngayon nagdodoubt na ako, hindi lang dahil sa nasasaktan ako kundi dahil sa......#6.

6. Do you really love him?

-At first I thought I was so in love in him, but lately I realized, I'm just attached. Naattached dahil sa mga sinasabi nya.

Hayy, buhaayyy nga naman.















Thursday, June 7, 2012

t("_)

Ayaw ko na sana balikan yung nangyari at tapos na e, pero di ako mapakali, it means kelangan sabihin ko sa iba or sabihin ko nalang dito.

Yung feeling na yung close friend mo lang yung nakakaalam na gusto mo yung guy na lagi nyong nakakasama, tapos di mo pala alam na nagkakamabutihan na sila. Pangalawang beses na nangyari to. Okay lang kung kaibigan ko pero not close friend, ang sakit kaya nun teh!

DATI: Weekenders
NGAYON: Saturdate

It means, sila nalang. Dati meron: KAME Ngayon: Dalawa. Naiinis lang ako! Everytime na naaalala ko yung tinanong ko sya kung may gusto sya, sabi nya "kapatid lang". O diba? Tangina lang. Parang PBB Teens lang, bestfriend daw pero girlfriend pala. Saken naman, ayos lang, pero yung ililihim pa? HAHAHA. Tangina lang talaga. Para saan pa yung pagiging close friend namen, maiintindihan ko naman e, kaso nakuha pang itago, bistong bisto na nga.

HAHAHAHAHA. CHILL! Dati pa yan, naalala ko lang. Wahahaha.

Hello blog! Musta? Hihihihi
Ge, bye na!