Nung papunta na ako sa office kaninang umaga biglang pumasok sa isip ko yung saling "Insecurity". What does it mean? --Insecurity is a feeling of general unease or nervousness that may be triggered by perceiving of oneself to be vulnerable in some way, or a sense of vulnerability or instability which threatens one's self-image or ego. Ang lalim noh? Haha. Para sakin yung taong insecure is yung lacks of confindence in their own value, capabilities, at yung walang tiwala sa sarili nila at INGGIT. Ako, naiinsecure ako sa ibang tao pero sakin kaya ako naiinsecure kasi I admire them. Humamahanga, nagugustuhan ko sila, may mga tao kasing naiinsecure then they turned out na nagiging bitter sila taong kinaiinggitan nila. Pag insecure ako sa isang tao I'll make sure na maganda yung relationship ko sa kanila then after nun mawawala na yung insecurities na nafefeel ko with them. :) Yun lang. Haha. :)
Then nung nakababa na ako sa jeep may nakasabay akong grupo ng mga binata siguro 13-15 years old mukang maglalaro sila ng basketball. Tapos yung isa nilang kasama may nilalarong insekto then yung isa nilang kasama na I think yun ang pinakabata naglalakad habang sa kasama nyang naglalaro nakatingin bigla syang nalaglag sa imburnal. YES. Sa imburnal. HAHAHAHA. Yan yung una kong reaction talaga diko naiwasan na ngumiti at matawa sa sa loob loob ko, then suddenly bigla ako naguilty. Kasi pagtingin ko sa bata umiiyak sya kasi kahit ako nasaktan ako sa nangyari sa kanya saka nakita ko yung sugat na binti nya. Nabalatan. :| Grabe. Parang gusto ko sya tulungan nun, kaso nahiya ako kasi kahit di nya alam e napagtawanan ko sya tapos yung mga kasama nya din pinagtatawanan sya. :| Ewan. Bigla talaga akong naguilty, nagpray nalang ako at nagsorry kay God, pinagpray ko din yung bata na sana gumaling agad yung sugat na nakuha nya. Grabe. Naawa talaga ako sa bata. Hanggang sa nakasakay na ulet ako tinitingnan ko padin sya. Nung nakita ko ng naglalakad na sila patawid mas lalo ako naawa kasi iika ika sya. Sorry talaga kung napagtawanan kita. Di na mauulet. PROMISE.
May nadiscover akong blog. :"> Sister sya ni Prince Paltu-ob. Grabe. Kahit medyo bago palang yung blog nya nainspire na agad nya ako. She's so amazing, gorgeous, and lovable. Pero ang dami nya rin palang kinatatkutan. Sa mundong ibabaw talaga kahit maganda o panget, mahirap o mayaman di nawawalan ng problema. Robot ka na kung wala kang problema. HAHAHA. Then shinare din nya yung mga dreams nya. Tapos nalaman ko na she have a loving family. Grabe. Sobrang naiinggit ako sa mga taong close yung family nila, hindi naman sa hindi kame close ng family ko, mejo lang siguro. Haha. Basta ang ganda ng blog nya. Lag ko aabangan yung mga posts nya. Ahihi. :">
Last na to! Uhm, pag ang kaibigan mu nagka love life iiwan ka, pero kung nawalan ng love life kung makahanap sayo parang ikaw pa yung nangiwan. Haha. Nung highschool ko pa to nabasa e, isang quotes to! Sobrang laki ng impact neto sakin. Ewan. Kasi naramdaman ko yung ganun e, di ako yung may love life a, ako yung friend. Haha. Kaya minsan yung mga friends ko na may boyfriend/girlfriend naiinis ako, di dahil sa naiingit ako kundi dahil naiiwan nila ako. :( I really hate that. Tapos pag may love life kana PILI NALANG YUNG REREPLAYAN MU SA FB, TEXT. Ewan ko ba! Tss. Now, I'm experiencing it. But I still love my friends those who have love life. :)) I'm always here for them. Kelangan ko lang magtiis kasi kung papairalin ko yung ugaling MAGTATAMPO, mawawalan ako ng kaibigan. Haha. Diba?
Dito nalang. Yan lang naisip ko buong araw! Haha. At nakuha ko pang magblog dito sa office. Ahihi. :)) Sige. Take care readers. :) Ilang oras nalang uwian na, lapit na din yung first sahod ko. :"> I'm so excited! HAHAHA.